May nakabanggaan kaming motor at hinahabol kami
Hello po! Hingi lang sana ako advice, medyo mahaba po ito.
May nakabangga father ko na motor while driving our Xpander. Pa U-turn siya, natawid niya na yung unang lane, pagliko niya may motor na tuloy tuloy lang at bumangga. Clear ang daan, walang ibang nakaharang. Bumusina yung motor pero hindi siya prumeno kaya tumama sya sa nguso ng sasakyan. Sumemplang motor at nalaglag ang rider.
Gumawa ng kasulatan father ko stating na sasagutin namin expenses ng motor (operating on the assumption na may fault siya). Humirit din si rider na need niya magpa xray, kaya binigyan sya 1k ng father ko. Nung nakita namin CCTV, mas evident na fault ni rider kasi imbis na prumeno, bumusina lang. At hindi sya nag menor siguro akala nya makakaiwas siya. Ang stance ko dito kung may negligence man sa side namin, meron din sa side ni rider.
Kinagabihan, hinahabol pa rin kami ni rider kesyo wala daw siyang sahod sa mga sunod na araw dahil di siya makakapasok. Pinapapunta nya pa kami sa ospital kung saan siya nagpa check, 10:30pm na nun. Ayaw na ng tatay ko pumunta at kailangan nya na magpahinga (senior citizen, may medical condition). Sinabe ng rider na pupunta na lang daw sila sa bahay. Binigyan uli ng tatay ko ng 1.5k via gcash hoping na ok na yun. Tumawag at nag text si rider after ~30mins na nasa labas daw sila ng bahay - wala namang tao.
Ngayon po nanghihingi pa rin yung rider, ako na ang kumausap sabe ko moving forward sakin siya makipag coordinate at iinvolve ko na ang insurance. Plan ko sana Own Damage lang ang gagawin kong claim, pero kung maghahabol siya edi may Third Party na and hindi naman kami liable. Sabi nila rider nag file na daw sila formal complaint sa traffic bureau and a letter is headed our way. Sabi ko naman we will gladly comply as long as dadaan na sa proper channels. Wala na daw sila hahabulin sa paayos ng motor. Ang gusto lang nila ay mabayaran for alleged loss of income na ipanghuhulog daw nila sa motor.
Ang question ko po ay, paano ko ba ito ihahandle? First time to experience this and ayoko na sana mag claim for third party pero kung pipilitin kasi nila wala akong choice.
Hindi rin naman namin kasalanan entirely pero bakit kami ang magbabayad sa mga araw na hindi makakapasok si rider.