Could it just be nostalgia?
I know na mas mature to say na mas maganda ang newer books kaysa older books because mas maayos ang pagkakagawa ng newer books, mas matatapang ang themes, at mas diverse ang character setups. Pero ewan ko ba, kapag pipili ako ng books to read, I’m still leaning doon sa mga nabasa ko na dati. For reference, I started reading on Wattpad in 2014. I’m not against sa mga sikat na author ngayon, ha. Don’t get me wrong. Sadyang ang puso ko ay nasa older generation of books.
Siguro kasi dati, Wattpad was a place for books na hindi mo makikita sa bookstores. Lahat raw, galing sa puso at passion lang ng mga manunulat. While ngayon, Wattpad became a stepping stone for aspiring authors, kaya ibang-iba na ang intentions. Dati, kahit simple lang ’yung story, ramdam mong talagang natutuwa both the author and readers. Siguro rin, hinahanap ko ’yung batang ako na masayang-masaya, kahit na Wattpad lang ang ganap niya sa buhay.
I’m not antagonizing anyone or anything sa post na ’to, ah. Reflection ko lang po ’to. Kaya rin natutuwa ako kapag nakakakita ako ng newer books at ramdam ko ’yung genuine love ng author for writing. Those are Made in Baguio and Fleeting Moments, btw.
While you’re here, please recommend books na may ganitong feel, na parang sinulat galing sa probinsiya. Thank you.