
u/Dense_Ninja_5181

(not my picture but the layout of the floor is exactly like this)
May time nung elementary pa ko na tumira kami sa bahay ng grandparents ko. Seguro mga 11 ako that time. Medyo malaki siya pero hindi siya gaanong tapos. Ang second floor ng bahay ay may 4 rooms, bale pagkaakyat ng hagdan, sasalubungin ka ng malawak na hallway na may cr sa pinakadulo, sa kabilang dulo naman ay isang malaking room, sa left side ay may isang room at sa right side naman may dalawang rooms na magkatabi. Ang kuwarto ko ay nandoon sa solong room left side, na datig kuwarto rin ng tito kong nurse kaya dark ang pintura ng kuwarto niya dahil lagi siyang tulog sa umaga. Ang dalawang kapatid ko naman ay nandoon natutulog sa kabilang dulo ng hallway malapit sa stairs kasama ang yaya nila.
Sanay akong natutulog nang bukas ang pinto dahil medyo mainit sa kuwarto kaya nakabukas lang lagi kapag gabi. Isang gabi, gising pa ko nang alanganing oras, may nakita ako sa peripheral vision ko na dumaang figure papunta sa direction ng cr. Nag assume ako na pupunta lang ng banyo yung yaya ng mga kapatid ko dahil medyo matangkad yung figure na nakita ko pero mostly black lang na naglakad. Hinintay ko siyang makabalik papunta sa kuwarto ng mga kapatid ko pero mga 30 mins na ang nakalipas, hindi pa siya dumadaan ulit. So tumayo ako at tinignan ko kung nakalock pa ang banyo. Pag labas ko ng kuwarto ko, bukas na bukas ang cr at walang tao. Sarado rin ang pintuan ng mga kapatid ko kaya natakot ako dahil wala namang ibang dadaan dun dahil wala namang gumagamit ng mga kuwartong nasa right side dahil storage pa siya nung time na nakatira kami dun. So sa sobrang takot ko bumaba akong first floor at kumatok sa kuwarto kung saan natutulog mga magulang ko para dun na lang din matulog nung gabing yon.
Pagbukas ng mama ko ng pinto tinanong niya ako "oh ba't gising ka pa? ano oras na?"
Nirason ko na lang na masakit ang tiyan ko dahil papagalitan lang naman ako kapag sinabi ko ang totoong rason.
Makalipas ang ilang taon, kinuwento ko sa tito kong dati may-ari ng kuwarton iyon.
Sabi niya sakin, "Meron din akong experiences dun sa bahay na yun. Meron ngang one time, nakita ko doppelganger ni mama. Pero sa tingin ko mababait naman mga naandon sa bahay since wala pa namang nangyayaring masama since then."
Mas pinili niya na lang daw na magalit at magtaka kesa matakot dahil siya pa ang tatakutin sa sarili niyang bahay.
Nang marinig ng mga pinsan ko ang kuwentuhan namin, nagkuwento na rin sila ng mga nagparamdam o nakita nila sa bahay na yun. Hindi na rin naman kami natatakot dahil marami na ring pinsan ko ang nakatira ngayon sa bahay na yon kaya laging mainagy at may tao.
With and without camera flash 📸
This is located at a farm house resort in Naga City, Camarines Sur
Mukhang may secret lair din pala siya dito sa Philippines
Matagal na talaga tong pic na to guys pero hanggang ngayon nangangarap pa rin siya maging isang dragon 🐉 🐲
I honestly thought I was gonna lose since I blew my early 1-0 lead in the 64'. He even went on 2-1 at 75'. BUT BRO I GOT POSESSED BY THE FOOTBALL GOD IN THE 90' when I scored twice to seal the event🥹🎉😭
I just wished I saved the match highlights ( i was too overwhelmed to do so)