Problem/goal: mahigpit si gf and what should I do?
Context:
I’m 21M and my girlfriend is 23F, and 5 months na kami together. Ang problem lang for me is masyado siyang mahigpit minsan. Kahit birthday lang ng friend ko, binabawalan niya ako kasi baka raw may girls doon and nagiging uncomfortable siya.
Even during my nursing duties, mostly girls yung mga kagrupo ko, so ako lagi yung nag-aadjust para lang hindi siya ma-uncomfortable.
Parang feeling ko rin nawawalan na ako ng life outside the relationship. Mahilig kasi talaga ako mag-travel and gumala, pero minsan hindi ko na rin ma-enjoy yung mga bagay na gusto ko. Umaalis naman kami paminsan-minsan, pero usually nearby places lang kasi super strict din ng parents niya.
Lagi naman namin itong napag-uusapan, and lagi ko rin sinasabi sa kanya na bata pa kami and okay lang naman magkaroon ng life outside the relationship. Hindi lang naman sa isa’t isa umiikot yung mundo namin. For me, wala namang problem if she spends time with her friends basta nag-uupdate lang siya. Enough na sakin yun. Tapos minsan ung response niya is parang nang gguilt trip so IDK na what to do.