u/Decent_Comedian_9208

▲ 0 r/iphone

AG PH/Alyssa Gadgets second hand phones cannot be trusted

POSTING FOR AWARENESS. Sana walang matulad sa akin.

Bumili ako last year ng phone dito sa shop na to. Second hand iphone 13. Yung shop nila located sa Porta Vaga. Bilang first time na magka iphone, wala akong idea about refurbished or yung ginagawa sa iphone para magmukhang bago. Ang nasa isip ko lang that time asa mall naman sila and mukhang legit yung store kasi andami pa nilang following sa kanilang fb page. So pinush ko at bumili na dahil narin sa freebies daw na 7k plus ang worth.

Noong binili ko yung phone tinanong ko bakit 100% battery health kahit second hand yung phone. Sabi noong nagbenta na mostly kasi hindi pa masyadong nagagamit katulad nalang ng inunbox lang for videos ganun pero hindi na ginamit.

So pinush through ko kasi need ko phone para sana makapag affiliate and may extra income. During the first week, napansin ko ang bilis malowbat like 4-5 hrs max niya. Binalik ko and inassure naman nila ako na ganun daw talaga iphone. At dahil nga first time naniwala ako. Sinabi nila na bawasan ko nalang daw yung paggamit ng tiktok kasi mataas usage ko dun.

Noong 6 mos na phone saakin napansin ko bakit until now hindi pa nababawasan battery health niya e nasearch ko dapat manlang may bawas na yun. 100 percent parin pero yung time na malowbat mas mabilis na. 3-4 hrs pag ginagamit ko lowbat na.

Noong binili ko pala phone sabi hindi ko daw pede iupdate kasi hindi daw supported ng phone baka magkaproblema and sa waiver pag naupdate hindi kasali sa warranty. May free labor din daw angg repair within 1 yr pag nasira mo.

During the 7 month ng phone sakin nahulog ko siya kaya nabasag backglass. Noong binalik ko sakanila 4k daw yung backglass lang yun. Noong nag canvas ako sa iba 2500-3500 yung backglass with labor.

Ngayon 11 month na noong phone saakin, pero 1-2 hrs lowbat na pero 100 parin yung battery health niya. Minsan bigla bigla nalang din nag ooff. Naisipan ko silang isearch sa google ngayon lang and madami din palang bad reviews sa reddit.

Sayang lang kasi akala ko makakatulong sana for me na magkaroon ng extra income pero di manlang umabot ng 1 yr. Nakaka attract yung advertisment nila nagtiwala din ako kasi madaming branches. Kakaiyak.

Alam ko dapat mas nagsearch ako, pero tapos na. Ant4ang4 ko kasi nanggaling na nga ako sa monster gadget na mas mura pumunta pako sakanila and nagpa engganyo pa sa freebies na 7k pero 1k lang pala online nabibili ( nakita ko binebenta online)

Update: sabi noong pinagtanungan ko for repair now kasi nahulog phone, possible boosted kasi di nagpalit yung health ng battery.

reddit.com
u/Decent_Comedian_9208 — 5 days ago