Flowers for Mother’s day
Pa-rant lang ha kasi naiiyak ako sa inis dahil ang ungrateful ng lola ko (father side). Kaninang umaga, binigyan siya ng step mom ko ng flowers, natatawa yung step ko habang kinekwento sakin na sabi ng lola ko “sana chocolate na lang, di ko naman makakain yan”, natatawa siya pero I know nalungkot yun :((
Tapos nung tanghali, may ipinabigay yung father ko sa lola ko na bouquet of flowers uli. Nasa ibang lugar yung father ko kaya ako inutusan niya magbigay nung flowers sa lola at step mom ko. Since nasa malayo nga siya at surprise yun, I assume na hindi niya din alam na may ibibigay na flowers yung step ko kay lola kaya nadoble tuloy yung bouquet. Then sabi ng lola ko sakin “sana pinera na lang niya”.
Sobrang nakaka-inis. Pinagsabihan ko siya pero i don’t think na-realize niya yung mali niya kasi matigas ulo nun eh. Nakakabwisit lang, bakit ang ungrateful??? Sige sabihin na nating wala ka naman talagang magagawa sa flowers kundi i-display, pero sana maging grateful na lang, be thankful na may nagregalo sayo kasi it means mahal ka nila. Tangina lang, gusto ko sabihin ‘to sa tatay ko para wag na siya magbigay ng flowers sa susunod pero ayoko siya masaktan.
I love my lola so much kasi siya tumayong ina sakin simula pagkabata ko, pero part of me is starting to not want to give her gifts once I have my own money na kasi ang ungrateful niya kahit dati pa :(( I want to give back pero the thought na baka hindi niya magustuhan mga future gifts ko scares me.