Hindi na bago sa akin yung may magme-message tapos hihingi ng tulong. I'm very fortunate to have more than enough naman para sa sarili ko at pamilya ko. Nakakaipon ganon. At dati nagbibigay ako mga P2k, P5k depende sa severity ng reason. Nadala ako nung one time yung isang nanghingi ng tulong, nakita kong na-tag na nasa galaan pala. Simula noon, di na ako tumutulong via giving cash. Ang ginagawa ko na ay sinasabi ko na pwede ako magbayad ng bill nila 1 time, whether sa kuryente o sa gamot, at di lampas ng P5k. Di naman ako super mayaman.
So eto na nga. Ngayon may humingi ng tulong, yung papa daw niya ay 2 weeks na di makalakad dinala daw nila sa doktor. Nakabisita rin daw siya sa dating ka-school namin na natulungan ko rin last month lang (by buying her meds), so siguro kaya naisipan niya mag-reach out sa akin (first time ever siya mag-message. At least yung schoolmate namin may previous talks naman kami kahit madalang, nagkausap about politics or kamustahan). So ako, yun na nga, sabi ko na sorry, di na ako nagbibigay ng cash, pero pwede ako makatulong sa bill, diretso sa vendor ang bayad. Cash daw kasi kailangan pangbayad sa doktor, sabi ko na sorry talaga, pero pwede ako maka-help sa mga meds, using yung schoolmate namin as example na ako mismo bumili ng meds niya.
Yung dating sa akin ng mga next na reply niya ay siguro nairita siya. Kung anu ano pa daw requirements ko, wag na lang ako tumulong kung ganun. Beh, 2 lang requirements ko, yung vendor at yung bill. To give him the benefit of the doubt, baka stress lang talaga siya.
Pero ewan na