Problem/Goal: I don’t have a great relationship with my partner’s dad.
Context: I’m a 26 year old girl who has a 28 year old partner and currently meron din kaming businesses together. I’m a single mom nung nakilala ako ng partner ko. Okay naman kami ng dad niya nung una. Then I got pregnant, then namatayan. I was and still am grieving sa pagkamatay ng baby namin. Isang beses kinausap siya ng dad niya. Sinabi naman sakin ng partner ko pero hindi ko maiwasan hindi magalit at masaktan. Sinabihan siya na too look and consider for other “option” (meaning babae). Take note, wala pa isang bwan nung namatay anak namin. Nasaktan talaga ako ng sobra though inaassure naman ako lagi ng partner ko. Hanggang sa dinala ko ng ilang taon.
Dumating yung araw na kinausap siya ng partner ko kasi sobrang bigat na sa puso ko to the point na gusto ko na makipag hiwalay kasi una palang naman sinabi na niya sakin na priority talaga niya maka bawi sa pamilya niya. And I admire him for that kasi napaka buting anak niya talaga. Pero minsan naiisip ko, pano ako? Iba na ang stand ko sa life kasi may anak na ako. Kailangan ko naman yung lalaking pipiliin kami.
Nung kinausap niya yung dad niya, okay naman. Inaassure niya padin naman ako. Then naging okay. Pero tuwing mag aaway nalang kami tungkol sa dad niya hindi ko maiwasan masaktan padin dahil naaalala ko lang yung sinabi ng tatay niya sakanya. Pakiramdam ko, ganun ba ang tingin niya sa mga babae? Replaceable basta basta? Pag nahirapan sa situation mag hanap nalang ng iba? Nakikipag hiwalay ulit ako sakanya. Sabi ko hindi ko na kaya. Hindi ko na din kasi kaya yung idea na worst case scenario mabugbog na mental health ko hindi niya padin ako pipiliin kasi obligasyon niya pamilya niya. So sinabihan ko siya na naiintindihan ko naman yun, magkaiba lang talaga kami ng phase ng buhay at ng priorities. Naging single mom na ako, pagod na ako antayin na piliin naman ako.
Nakaraan lang nagkaron kami ng opportunity na mag usap tatlo—siya, ako, and papa niya. Everything went well, nag sorry naman siya and naaappreciate ko yun. Pero mas lalong lumalim yung sugat sa puso ko nung pinanindigan padin niya na tama siya nung time na yon. He even said na “I just want what’s best for my son. Alam mo yan kasi nanay ka na diba.” tumahimik nalang ako. Kasi oo nanay na ako pero hindi ko sasabihan yung anak ko na mag hanap ng ibang babae sa situation na yon. And best for my son? Is that the right advice to tell your son? Does he think na yun yung “best” choice right at that moment? Na mag hanap ng ibang babae or “option”?
(CONTEXT SA NEXT: Our plan is ilipat sa city nila yung business namin mag partner para matulungan din niya dad niya. pero ako, hindi ako sasama)
Pagkauwi namin talagang nagkaron kami ng discussion. Iniyak ko na lahat. Pero this time naging firm na ako. Sabi ko ayoko na. Pagod na ko. Deserve ko ng love na walang alinlangan na pipiliin ako… Pero this time iba na, suddenly bigla akong pinili ng partner ko. He chose me this time. Inassure niya na ako this time na ako pipiliin niya. Kinausap niya dad niya na hindi na matutuloy yung pag lipat at cinorrect niya dad dahil sa nararamdaman ko. Okay naman usapan nila, but turns out pinapanindigan padin niya na “gusto lang niya yung best para sa anak niya”.
Nakikita ko partner ko ngayon na sobrang down. May trauma na kasi siya sa papa niya pag dating sa disappointment. Na g-guilty ako na pinili niya ako. Inaassure niya naman ako na hindi siya napilitan at hindi siya malungkot na pinili niya ako. Pinili niya ako kasi mahal niya daw ako at hindi na niya kayang nakikitang nasasaktan pa ako and nag aadjust ako.
QUICK BCKGRND: Hindi lang ako nakaranas ng pagiging uncomfortable at umiyak dahil sa dad niya. Even yung partner ng kapatid niya. Naging single mom na ako kaya very firm ang stand ko pag dating sa relationship. Mom niya nasa ibang bansa, and dad niya nandito sa Pinas pero may ibang partner. Lagi sinasabi ng dad niya samin na pag umuwi na yung Mama nila from abroad, iiwan na niya yung kinakasama niya ngayon. So it leaves us (me and partner ng kapatid niya) an impression na ganun ba tingin niya sa mga babae? Pag dating naman sa Mom niya, okay na okay. Walang problema. Super loving and caring ng mom niya.