u/Conscious-Fan1078

Problem/Goal: Super pressured as the panganay

Context:

Hi, I'm 23, turning 24 this year and I still don't know what I want to do in my life. I'll be starting my 3rd work on Monday and hopefully, magtagal na sana ako sa work na 'yun kahit maliit lang ang sahod.

Isa akong ate at panganay ako sa pamilya namin. Kahapon lang, nalaman namin na nabuntis ng sumunod kong kapatid (21) yung gf (18) niya so mas lalo akong na pressure sa buhay. Ino-overthink ko yung mga bagay na out of control ko, the what ifs, and the could have beens.

Ewan ko, feeling ko lang parang ako 'yung sponge na naga-absord ng lahat ng negativity sa bahay dahil sa kaka-overthink ko.

My youngest brother would also start his senior high year this school year. Ino-overthink ko yung pambili ng uniform, school supplies, and baon niya.

Sobrang kapos namin sa pera. My father was unemployed kasi kakatapos lang ng seasonal driving gig niya dito sa province so mostly nasa bahay lang siya. Hindi naman siya idle, marami siyang ginagawa dito sa bahay. Si Mama may trabaho pero maliit lang din yung sahod niya. My brother was also unemployed.

Ramdam ko lang 'yung bigat as the first born and only girl in the family.

TBH, gusto kong magwork abroad pero since kapos pa kami ngayon, balak ko munang mag ipon para sa pagkuha ng mga requirements. Siguro in the next 3-4 years, mag aapply na ako abroad lalo pa at in 2 years time, magccollege na 'yung bunso kong kapatid plus may addition sa pamilya namin.

Pasensya na po at medyo magulo. Gusto ko lang maglabas ng pressure sa dibdib ko haha.

Originally sa Offmychest sub ko po dapat ito ipo-post pero since kulang ang karma ko, dito na lang po. Gusto ko lang pong makapaglabas ng nararamdaman ko kahit papaano.

Thank you!!

Previous attempts: None

reddit.com
u/Conscious-Fan1078 — 14 days ago