My Bf Doesnt Have a Work
Hi, So Im 27(F) and my bf is 26(M). We’ve been together for 5 years now. Okay naman relationship namen, hindi naman sya babaero, hindi sya nananakit, mabait naman sya wala kang masasabe until dumating yung time na naka graduate na kami pareho.
Ang problema lang sa kanya, he doesnt have a work. Okay lang naman nung mga umpisa, ako ang nagpoprovide saming dalawa almost live in na kasi kame. Kaya ko nasabing almost kase may mga times pa rin naman na nauwi ako sa amin. Kada labas namen ako lahat gumagastos, minsan pag may pera sya kase binibigyan sya ng parents nya sinasabi ko nalang na itabi nalang nya para may panggastos sya in case kailanganin nya. Truth is, their family is kind of well-off. May business yung parents nya at malaki yung kinikita pero kase hindi naman sa kanya yon.
Criminology yung course nya tapos sinasabi nya na hind madaling mag apply, nag apply na kasi sya once tapos hindi sya nakapasa. More than 2 years na ata ang nakalipas and hanggang ngayon wala pa din syang work. Parang yearly lang kasi ata ang applyan don so kapag hindi ka nakapasa ngayon, next year nalang ulit. Okay lang naman na nag iintay sya sa next applyan kaso wala naman syang ginagawa. Sa pulis kase dapat physically fit ka kase kasali yon sa training pag mag aapply ka. So dapat youll be able to do yung mga certain rounds ng push up, etc. May maintaning weight din pala na kinoconsider. Kaso wala syang ginagawa hindi naman sya sobrang taba pero ang laki na ng tiyan nya kakainom. Pag free time nya naglalaro lang sya ng mobile games. Nung umpisa gets ko eh kasi mag iintay ka pa naman ng another year bago makapag apply ulit so marami kang time for yourself. Kaso nakailang daan na yung apply pero hindi sya nakakapag apply. Reason? Kase hindi daw sya physically ready. Masasayang lang daw yung apply nya kasi alam nyang hindi sya matatanggap dahil hindi sya physically ready. Nakailang ganon na at sinasayang nya yung chance. Laging ang dami nyang sinasayang na time kase yung chance na meron sya kapag mag aapply, it only comes once a year!
Ngayon magkaaway kami kasi nirealtalk ko sya kung anong plano nya. And take note this conversation nangyare na to few months ago tapos nagpromise sya na aayusin nya sarili nya. Pero ganito ulit ngayon. Masyado syang komportable sa lifestyle na napoprovide sa kanya ng family nya kase kahit hindi sya magwork okay lang eh. Pero hindi naman yon okay sakin. Isa pa pala, yung mga friends na sinasamahan nya ngayon parang nakaka influence sa kanya. Sila kase yung palaging nagyayakag tumambay, uminom, mag ml. Not to judge, pero sila yung if you didn’t work, you wont have food to eat. Tapos lagi nyang nacocompare yung buhay nya sa buhay ng friends nya. Na compared to them mas okay life nya na still living under his parents guardian.
This became an issue kasi nasa point na ko ng life ko na I wanted to settle down. May maganda na kong work, more than na yung sinasahod ko. So I think Im both financially and emotionally ready. Ang problem lang is him.
I need an eyeopener. Please help me with this one cause I really dl this app for this.