Dapat ko ba sundin instinct ko sa bf at gbf ko?
Problem/Goal: may problem ako sa bf ko at hindi ko alam kung valid ba yung nararamdaman ko o dapat ko bang sundin instinct ko.
May girl best friend ako na pinakilala ko sa bf ko. Since childhood pa kami magkaibigan kaya kilalang-kilala ko talaga siya. Yung bf ko naman, wala namang cheating issue ever since.
Ang problem ko kasi, habang tumatagal parang nab-bother na ako sa closeness nila. Minsan hinahatid ng bf ko yung best friend ko gamit motor pag uuwi sila. Magkalapit lang naman bahay nila at same school din sila kaya nung una okay lang sakin. Pero habang paulit-ulit nangyayari, parang may uncomfortable feeling na ako.
Kapag kasama namin yung best friend ko sa labas, lagi siyang natatawa sa jokes ng bf ko. Aminado naman ako na funny talaga bf ko at madaling pakisamahan, pero ewan ko, parang may something sa instinct ko kapag nakikita ko silang ganun. Minsan pa sabay silang kumakain ng tusok-tusok sa labas ng school nila.
Sa mga may best friend na naging close rin sa bf niyo, normal lang ba yung ganito? Especially yung paghahatid sa motor at pagiging close nila? May tiwala naman ako sa bf ko kasi wala naman siyang history ng cheating. Yung best friend ko rin tahimik at mabait, at wala rin siyang boyfriend ever since.