u/Competitive_Bus_6604

Hello. Gusto ko lang i share yung situation ko sa bahay currently kasi I’m literally lost rn.

Long post ahead.

For Context: Bunso ako at pina stop ako ng Ate ko (15 years age gap) sa college nung 2024 and dapat mag 4th year na ako nun. Masama loob ng parents ko sa Ate ko kasi pinangako daw ni Ate sa amin na pagtatapusin niya ako since malaki naman sahod niya. Kaya lang, lumaki ang lifestyle ng Ate ko like tumira sila sa condo and bumili ng sasakyan kaya di na niya kinaya magpaaral pa ng kapatid. Nasa malaking company ang Ate ko at Lawyer naman ang asawa niya at may isa silang anak. Tbh, nagtampo ako noon sa Ate ko kasi okay naman sana kami kaso ineexpect niya na kakayanin ko naman pagsabayin ang architecture at pag cacall center para maigapang ko pag aaral ko. Pero tbh hindi po yun possible lalo na at mag 4th year na ako. Mahina din ang immune system ko at sakitin ako lalo pa puyat na puyat na ako dahil sa plates ko. Nakakasama naman din ako sa Dean’s Lister simula 1st year palang and never yon nawala as pang bawi man lang sa sacrifices niya. Btw, senior na ang parents namin (Si Papa 72 at si Mama 63) kaya simula College eh si ate na tumutulong sakin sa tuition. May tatlo pa akong older siblings pero may kanya kanya na silang pamilya at once in a blue moon lang mag abot ng pera sa magulang ko or even sa akin.

Nung sinabi sakin na di na ako mapapa aral ng Ate ko, umuwi ako sa province namin at naghanap ng work. Naging cashier ako sa isang supermarket. Okay lang naman sakin yun pero parang nababaan ako sa sarili ko that time kasi hindi ako sanay at nag ooverthink ako na hanggang dito nalang ba ako. After ko magwork, nasa bahay lang ako at freelancing naman ang source of income ko up until now. Ginagamit ko yung skills ko na nakuha sa college para may kitain ako at simula nung kumikita na ako ng pera ay ako na ang obligado sumalo sa lahat ng bills namin sa bahay. Ako nalang din nag aalaaga at hinihingian ng pera ng Papa ko kasi kinuha ng Ate ko si Mama para magbantay ng anak niya since both working sila ng asawa niya. Ngayon pati wifi ako na ang nagbabayad. Okay naman ako sa bahay pero napapansin ko na nadedevelop ko yung sakit na nagpapanic pag lumalabas. Hindi ko tinatry mag apply sa call center kasi humina ang katawan ko since lagi lang nasa bahay.

Ang conflict lang is tumira dito sa bahay yung pinsan ko na inampon ng magulang ko 1 year before ako ipanganak. Yung pinsan ko is bully at spoiled ng magulang ko. Actually, ang dami pang lore about sakaniya na parang siya ang tunay na anak kesa sakin but obviously ampon lang talaga siya at pamangkin lang siya ng Mama ko. Madami pa kaming problem sakaniya ng mga kapatid ko pero hahaba na ang kwento. Since ako lahat gumagastos sa bahay, food, internet, gas, nafifeel ko na parang cash cow nalang ako ng mga kasama ko dito sa bahay. Yung pinsan ko bihira mag ambag pero iniintindi nila Papa kasi kawawa naman daw at onti lang sinasahod. 3k sahod niya per week pero wala natitira kaka scatter. Ako, project based ang sahod ko minsan sa isang buwan more or less 10k lang pero salo ko lahat. Nasaan ang hustisya diba? Lagi ko yan pinapaalala sa kanila pero ako pa dapat umintindi sa sitwasyon nila.

Malaki ang tampo ko sa kanila kasi ever since wala man lang naging thankful sa akin sa sacrifices ko kahit nakikita nilang all nighter ako sa paggawa ng projects para may maipang gastos sa bahay. Adik din sa sigarilyo ang papa ko. Sa akin siya humihingi ng pera at hindi ko matanggihan kasi sinabi rin ni Mama na hayaan ko na daw at matanda na baka sumama pa loob. Ang masama, naaamoy ko yung usok at nafifeel kong mas lalo humihina ang katawan ko. Sinasabihan ko siya about doon pero deadma. Sa loob ng bahay man o tapat ng bintana ko doon siya naninigarilyo. Okay naman sana Papa ko kasi siya na kusa nagsasaing at naghuhugas ng mga plato na tatlong piraso.

Gusto ko na mag move out pero di pa sapat ang ipon ko kasi ako nga lahat gumagastos dito sa bahay. Di ko rin maasahan ang boyfriend ko dahil malaki rin ambag niya sa bahay nila at di pa din siya nakaka ipon pang move out. Hindi ko na alam saan ako lulugar. If mag apply ako for work siguro mafifix niya yung problem ko ngayon pero ang hina hina ng katawan ko ngayon. Nakakapagod na kasi ako lang ang nakaranas ng lahat ng to sa magkakapatid. Ako yung bunso at pinabayaan na sakin yung Papa ko. Aware ang mga kapatid ko sa sitwasyon sa bahay pero wala silang magagawa at di nila ako tutulungan.

reddit.com
u/Competitive_Bus_6604 — 9 days ago

Hello. Gusto ko lang i share yung situation ko sa bahay currently kasi I’m literally lost rn.

Long post ahead.

For Context: Pina stop ako ng Ate ko sa college nung 2024 and dapat mag 4th year na ako nun. Masama loob ng parents ko sa Ate ko kasi pinangako daw ni Ate sa amin na pagtatapusin niya ako since malaki naman sahod niya. Kaya lang, lumaki ang lifestyle ng Ate ko like tumira sila sa condo and bumili ng sasakyan kaya di na niya kinaya magpaaral pa ng kapatid. Nasa malaking company ang Ate ko at Lawyer naman ang asawa niya at may isa silang anak. Tbh, nagtampo ako noon sa Ate ko kasi okay naman sana kami kaso ineexpect niya na kakayanin ko naman pagsabayin ang architecture at pag cacall center para maigapang ko pag aaral ko. Pero tbh hindi po yun possible lalo na at mag 4th year na ako. Mahina din ang immune system ko at sakitin ako lalo pa puyat na puyat na ako dahil sa plates ko. Nakakasama naman din ako sa Dean’s Lister simula 1st year palang and never yon nawala as pang bawi man lang sa sacrifices niya. Btw, senior na ang parents namin (Si Papa 72 at si Mama 63) kaya simula College eh si ate na tumutulong sakin sa tuition. May tatlo pa akong older siblings pero may kanya kanya na silang pamilya at once in a blue moon lang mag abot ng pera sa magulang ko or even sa akin.

Nung sinabi sakin na di na ako mapapa aral ng Ate ko, umuwi ako sa province namin at naghanap ng work. Naging cashier ako sa isang supermarket. Okay lang naman sakin yun pero parang nababaan ako sa sarili ko that time kasi hindi ako sanay at nag ooverthink ako na hanggang dito nalang ba ako. After ko magwork, nasa bahay lang ako at freelancing naman ang source of income ko up until now. Ginagamit ko yung skills ko na nakuha sa college para may kitain ako at simula nung kumikita na ako ng pera ay ako na ang obligado sumalo sa lahat ng bills namin sa bahay. Ako nalang din nag aalaaga at hinihingian ng pera ng Papa ko kasi kinuha ng Ate ko si Mama para magbantay ng anak niya since both working sila ng asawa niya. Ngayon pati wifi ako na ang nagbabayad. Okay naman ako sa bahay pero napapansin ko na nadedevelop ko yung sakit na nagpapanic pag lumalabas. Hindi ko tinatry mag apply sa call center kasi humina ang katawan ko since lagi lang nasa bahay.

Ang conflict lang is tumira dito sa bahay yung pinsan ko na inampon ng magulang ko 1 year before ako ipanganak. Yung pinsan ko is bully at spoiled ng magulang ko. Actually, ang dami pang lore about sakaniya na parang siya ang tunay na anak kesa sakin but obviously ampon lang talaga siya at pamangkin lang siya ng Mama ko. Madami pa kaming problem sakaniya ng mga kapatid ko pero hahaba na ang kwento. Since ako lahat gumagastos sa bahay, food, internet, gas, nafifeel ko na parang cash cow nalang ako ng mga kasama ko dito sa bahay. Yung pinsan ko bihira mag ambag pero iniintindi nila Papa kasi kawawa naman daw at onti lang sinasahod. 3k sahod niya per week pero wala natitira kaka scatter. Ako, project based ang sahod ko minsan sa isang buwan more or less 10k lang pero salo ko lahat. Nasaan ang hustisya diba? Lagi ko yan pinapaalala sa kanila pero ako pa dapat umintindi sa sitwasyon nila.

Malaki ang tampo ko sa kanila kasi ever since wala man lang naging thankful sa akin sa sacrifices ko kahit nakikita nilang all nighter ako sa paggawa ng projects para may maipang gastos sa bahay. Adik din sa sigarilyo ang papa ko. Sa akin siya humihingi ng pera at hindi ko matanggihan kasi sinabi rin ni Mama na hayaan ko na daw at matanda na baka sumama pa loob. Ang masama, naaamoy ko yung usok at nafifeel kong mas lalo humihina ang katawan ko. Sinasabihan ko siya about doon pero deadma. Sa loob ng bahay man o tapat ng bintana ko doon siya naninigarilyo. Okay naman sana Papa ko kasi siya na kusa nagsasaing at naghuhugas ng mga plato na tatlong piraso.

Gusto ko na mag move out pero di pa sapat ang ipon ko kasi ako nga lahat gumagastos dito sa bahay. Di ko rin maasahan ang boyfriend ko dahil malaki rin ambag niya sa bahay nila at di pa din siya nakaka ipon pang move out. Hindi ko na alam saan ako lulugar. If mag apply ako for work siguro mafifix niya yung problem ko ngayon pero ang hina hina ng katawan ko ngayon. Minsan hinihiling ko nalang din na wag na magising para tapos na hays.

So ABYG if pagdamutan ko ang Papa ko minsan at sitahin sila sa mga ginagawa nila sa bahay na nakaka affect sa health ko?

reddit.com
u/Competitive_Bus_6604 — 9 days ago