u/Common-Today2447

Delivery unsuccessful due to insufficient time

Delivery unsuccessful due to insufficient time

Hello, gusto ko lang ishare yung naging experience ko sa isang order ko sa shopee. Umorder kami ng 2 helmets galing indonesia. Kinailangang iplace sila ng 2 separate orders kasi di inaallow ni shopee na 2 helmets in 1 order. Yung unang helmet naunang dumating nung April 5 kaso itong isa natagalan dahil minalas siguro sa nakuhang rider. Lumabas na out for delivery na sya nung April 9 kaso hindi dumating maghapon at wala ding response yung assigned rider sa chat via shopee app and inactive yung number nya na nasa system ng shopee. Nakailang follow up kami sa customer service kaso walang kwenta. Hanggang sa nag gabi nalang at di na talaga dumating yung item so nagreport rider kami sa app.

Hanggang sa kinabukasasan nagshow na out for delivery nanaman at kamalas malasan same rider ang nakuha. Same pa rin na walang update maghapon, unreachable yung number and walang kwentang customer service.

Ang ginawa namin since kailangan na yung item, pinuntahan namin sa hub at buti nalang inentertain kami dun. Dun nakita na andun lang pala yung item all this time kahit naka show na out for delivery na sya sa app. Eventually nirelease naman nila yung item samin since paid naman na siya.

u/Common-Today2447 — 4 hours ago