u/Cold-Dirt-3877

▲ 74 r/BPOinPH

Si TL gusto sumabay samin during breaks

Hi guys. Pahingi naman ng advice kung paano tatanggihan ang TL kapag gusto sumabay sa 30 min break at lunch in a nice and respectful way.

So ang scenario, eto:

Gusto lagi sumabay ni TL sakin sa lunch break, 30 mins break pati sa nap room gusto sumama. Ang problema kasi, unang una, hindi kami close, pangalawa, isang beses sa isang linggo lang kami nagkikita at nakakapag kwentuhan ng mga tropa ka sa office kasi hybrid kami. Ang awkward naman kung isasama ko siya saming magkakaibigan. I think na misinterpret niya ata yung kabaitan ko sa kanya. I mean, boss ko siya e. Siguro compared lang sa mga ka work ko, mas magalang ang pakikitungo ko sa kanya kahit galit ako.

Ngayon, gets ko naman na baka gusto niya mapalapit samin sa team, pero ang weird kasi laging ako lang inaaya niya. Ang bastos ng dating para sa mga ka work ko. One time pinagbigyan ko siya kasi baka wala lang siyang kasabay nung araw na iyon, pero grabe paulit ulit na. Nagbibigay na ako ng hint na ayaw ko na siya makasabay pero sige lang siya ng siksik sa sarili niya. Hindi naman sa pagiging bastos ha pero kasi TL siya e. Buti sana if friend ko siya, or kung close kami pero hindi. Naawa ako sa kanya pero nakakairita na at walang boundary.

Pa help naman kung pano ko siya tatanggihan in a nice way. Mas mabuti ba na maging direct na ako? Paano ko ba dapat sasabihin sa kanya? Hindi naman ako galit sa kanya, pero sa behavior niya netong mga nakaraan, napipikon na ako.

reddit.com
u/Cold-Dirt-3877 — 2 days ago