Gusto ko lang magrant sa sobrang disappointment ko. So nakita ko nga tong job posting sa blue app and here din sa reddit na hiring sila, nagsend me resume. Then nag email sila (April 27) inviting me for an interview and nagreply me na pupunta ako (April 28). Pag punta ko dun ang sabi sakin is nakuha na yung position so meaning hindi na sila hiring. Nakaka disappoint lang kasi nagprepare ako for that interview and syempre yung time and effort sa pagpunta. Nanghinayang lang din ako sa pinamasahe ko lol sobrang init pa.
Sana yung mga nagppost ng hiring pag may nakuha na po kayo padelete or paedit na nung post niyo or kung mag eemail po kayo ng invitation for interview sana po open pa yung position and kung hindi na pa-email po ulit para naman po hindi na magprepare yung mga applicant.