Tama ba lahat ng instinct/kutob natin?
Problem/Goal: Hindi ko na talaga alam yung gagawin ko sa totoo lang.
Context: I, 33F and my partner is 28F. So nagshare na ako dito before maybe September of last year. My problem back then was inaassume ko na may bago na agad siya after 2 weeks coz lahat ng nirerepost niya sa tiktok ay tungkol sa bago. Yes, pinipilit ko pa din ayusin yun. Humabol ako sakanya pero pinamuka na niya sakin na wala na ako babalikan. Yung reason ng break up namin ay misunderstanding and nagkapisikalan talaga kasi parehong may inom. So pinilit ko ayusin yung sarili ko. Nabalik ko ulit yung peace of mind ko and self love talaga. Then December last year, 3 months after we broke up, sobrang unexpected ng lahat bigla kami nagkausap ulit. Hindi namin plinano, nakita ko siya sa dating app, that time kakadl ko lang nun kasi naginom ako and kakauwi ko lang and hindi agad ako makatulog kaya tinry ko lang yun. So nung nakita ko profile niya, nagcomment lang ako sa photo niya then nakatulog na din ako. The next morning, nagulat ako nagreply siya sakin. So akala ko panaginip lang lahat. Hanggang sa magkachat na ulit kami then sinabi niya na gusto niya daw ako bumalik sakanya. Ayusin daw ulit namin. At first hesitant ako kasi baka mafeel ko na naman yung nafeel ko nung nagbreak kami. Hirap na hirap ako igapang yung sarili ko nun maging okay lang but aminado naman ako na di pa ako totally moved on sakanya so yes pumayag ako. Inayos namin ng dahan dahan kahit na paulit ulit ko siya tinatanong na baka lang siya bumalik sakin kasi di nag work yung sakanila nung pinalit niya sakin, dahil convenient lang ako, dahil ako lang nagparamdam sakanya pano mahalin ng sobra at alagaan.
Everything was perfect. Inisip namin na sign yun ni Lord kasi sa dami ng tao sa dating app na yun, makikita namin yung isat isa. And then April came, bigla siya nagiba, laging galit sakin kahit wala naman ako ginagawang masama. Parang gumagawa na lang away. Alam niyo yung instinct ko nun, feeling ko nagkakausap ulit sila nung pinalit niya sakin 2 weeks after we broke up kaya siya naguguluhan. Ganun na ganun last year, parang isang iglap hindi niya agad ako mahal. So naging shaky na relationship namin but pinipilit ko pa din ayusin. Dumating pa sa point na bigla niya ako chinat na pag nabasa ko daw msg niya, umalis na daw ako at sumunod sakanya sa Baguio. That was 3 weeks ago. Hindi kami masyado nagcchat niyan kasi gusto daw niya ng time sa sarili niya, kaya hinayaan ko. Yung msg niya was like 1am then nabasa ko paggising ko ng 6am. May pasok ako nyan, may meeting ako pero dahil mahal ko talaga at umaasa ako na maaayos namin, nag emergency leave ako. Imagine from South pa ako. Inabot ng 10hrs byahe ko. And first time ko talaga magbyahe ng ganun kalayo na magisa lang. Sinundan ko siya sa Baguio. Okay nung una, ayusin daw namin then bago kami umuwi kinausap ko ulit siya kung ano ba talaga kasi ang gulo gulo niya. Sinabi niya na tapusin nadaw talaga namin. So wala ako choice diba. Then nung hinatid na niya ako sa sakayan ng bus sa Pasay, tinanong ko ulit siya, sinabi niya na ayusin daw ulit namin. Sobrang gulo niya. Palaging ganun, aayusin then on a random day bigla niya tatapusin. Ilang beses niya ginawa sakin yan. Pinapaasa niya ako lagi. Tinry ko na siya kausapin na tama lahat ng hinala ko, it's always been that girl. Pero hinding hindi talaga siya umaamin. Hindi daw sila nagkakausap. Minessage ko na din yung girl para tanungin kung nagkakausap ba talaga sila pero hindi ako nireplyan
So ngayon, hindi kami naguusap pero may plan kami this coming weekend kasi supposed to be Anniv na namin. Tinanong ko siya kung pwede pa din ba namin icelebrate yung Anniv namin, pumayag naman siya. Hoping ako na matuloy talaga kasi eto na to eh. Sinasagad ko na lang talaga sarili ko na mapagod. Di ko alam kung ano pwede mangyari nun. Di ko alam kung tutuloy ba siya but I’m praying na sana matuloy talaga. Sounds desperate but bahala na.
Attempts: trying so hard para madisctract. Dinelete ko din IG and Tiktok ko para di ko siya mastalk at makita mga reposts niya. Nagpapakabusy lang din sa work