u/Chemical-Opinion-898

BAON SA UTANG

Hello,

Ngayon lang ako mag popost ng dito, alam kong mali ako at wala akong tamang ginawa. Gusto ko lang humingi ng advice sa mga nabaon sa utang dahil sa sugal, maling pag hawak ng pera, iresponsable sa credit card, pero naka bangon at nakabawi. Bigyan nyo po ako ng advice please. Ano ba dapat kong gawin?

Lahat ng credit card ko maxed out, nagamit ko sa sugal,sa luho, sa investment na sumablay, dun din ako kumuha ng pang bigay sa magulang ko. Dumating sa point na na aattempt na din ako umutang sa mga OLA pero napigilan ko naman at puro credit card lang, nakiusap na ako sa mga bangko kung pwede bigyan ako ng time at amnesty ang hinihintay ko. Siguro nasa 700k o 800k ang total ng utang ko at meron akong main income na 30k monthly, nag hahanap ako ng extra work, at nag iisip na din na mag bussiness.

Habang pinopost ko to, tuliro ang utak ko. Pagod kakaisip kung paano makakabawi, alam kong makakabawi ako pero natatakot lang ako na malaman ng partner ko. Problema ko to kaya gusto ko ako lang nakakaalam at ako lang mag aayos. Sinuko ko na din kay lord ang nangyayari sakin at humingi ako ng gabay sa mga susunod kong desisyon lalo na sa pera.

Sa mga katulad ko, makakabangon din tayo. Para sa mga naka experience naman nito at nakabangon, anong mga hakbang ang ginawa nyo? San kayo nag umpisa? Pasensya na at mahaba.

reddit.com
u/Chemical-Opinion-898 — 4 days ago