u/Cheekyninii

Hello reddit mommies! I’m 26F single, at never pa nagkaanak or nabuntis. So I’m asking here at sana po matulungan nyo ko.

My best friend recently gave birth sa first baby nya at nainvite ako as ninang sa binyag next month. I’m planning to gift them Maxicare Prima Consult Prepaid Healthcard. Yung tig 999 na good for 1 year. Gusto ko kasing gift yung mapapakinabangan ni baby ng matagal at pati na rin parents nya.

I don’t know if pwede to or kung ideal gift. Iniisip ko kasi if clothes, mabilis pagliitan. Kung toys naman mabilis mapagsawaan at kung cash naman, di ko alam kung san mapupunta so I want to at least have control sa gift ko.

Is it too invasive? Too nagmamarunong? I dunno, mayabang ba dating? Wala akong mapagtanungan since yung friend group ko ay mukhang mga magsisi tandang dalaga except sa friend kong nanganak recently. I also asked my titas pero wala silang idea about prepaid health cards.

Ayokong masamain nila yung gift ko. Gusto ko lang na maibsan worry nya as a mom kasi konting sakit lang ni baby nakatakbo agad for check up. And lately she’s been dumping her stress on me about bills.

Ano ba dapat iconsider ko sa situation nila before gifting this?

reddit.com
u/Cheekyninii — 10 days ago

So I work as an overall secretary for this client through an outsourcing company. They’re soooo nice and they don’t over work me to the ooint na yung 10 tasks ko a day, kaya ko gawin in an hour then matutulog na lang ako, manonood ng netflix or maglalaro kasi wala na talaga ko magawa.

Pag may nagtatanong kung ano ginagawa ko for work inggit na inggit sila at gusto mag apply. Pero ako, I don’t feel fulfilled. Parang wala kong growth. Feel ko maiistuck ako dito at hindi na maggrow sa field ko.

Don’t get me wrong, I like my job. Salary is close to 6 digits din. Iba iba tasks ko at marami pero napakadadali lang. parang overflow lang ng tasks nila ang binibigay sakin. Mostly menial tasks like, data entry, file organization, template emails, upload lang ng documents here and there then wala na tapos na. These are all so boring tasks, like hello, I used to do a 100 page legally binding documents with 1 day deadline dati pero ngayon I’m reduced to sending out generic emails. Ngii. Nag uograde nga salary ko, nag down grade naman job responsibilities ko.

I keep inserting myself in a more challenging tasks like nagtatanong ako kung pwede ba nila ibigay sakin to at bigyan ako ng access kasi I know pano gawin pero umooo lang sila then after a few months makakalimutan na. There’s room for growth pero they’re not letting me. I do my job flawlessly, the way they want it done so hindi performance ang issue. I also get glowing feedback from them kaya I don’t know what’s wrong.

I don’t know if they don’t trust me or it’s too confidential to share pero mas gusto ko maging invloved. Gusto ko malaman whole process kasi I genuinely like my job.

I want to take on a 2nd job dahil naaaksayahan ako sa oras. Pero di ko alam san ako makakahanap ng freelancing jobs na hindi demanding but slightly align sa field ko para naman di ako magmukhang batugan.

reddit.com
u/Cheekyninii — 13 days ago

Problem/Goal: 25, NBSB. 5 months ago may nakilala akong guy through my friend. Friend sya ng asawa ng friend ko at nagkita kami sa binyag ng anak ng friend ko. Ayun nagkamabutihan hanggang sa niligawan ako. napaka generous nya but iniiwasan nyang mameet ko family nya. Until 2 weeks ago napilit ko sya dahil ininvite ako ng kapatid nya sa birthday ng mama nila. I was so disappointed after that day.

Context: Si guy ay nagwowork as manager sa tech support company. May kaya family ko kaya I have certain standards pero di ko kinakaya yung generosity nya. Nung birthday ko binilan pa nya ko ipad pero I declined, di ako comfortable makareceive ng gift as expensive as that lalo na nanliligaw palang naman sya.

Last week inaya ako ng ate nya sa kanila. Birthday daw ng mama nila at gusto ko mameet. So I asked him kung san bahay nila at kung ano oras. Nagseen lang sya pero di nagreply. After a while yung ate nya nagchat na wag nalang ako pumunta, next time nalang daw. Ang fishy ng timing pero I insisted kasi ang unang kutob ko ay baka may babae sya don. Alam ko lang kung taga san sila at kung anong baranggay pero di eksaktong address. Nagchat ako kay guy na otw na ko. Then nagpatay ako data. Tawag sya ng tawag sa number ko kaya nag airplane mode ako. Binuksan ko lang uli yung data nung malapit na ko sa kanila sabi ko nasa 7/11 ako malapit sa kanila at sunduin nya ko.

Sinundo naman nya ko pero kita ko sa mukha nya yung inis, guilt, at kaba. Iniisip ko talaga may babae eh, pero maling mali ako.

Nagulat ako pagdating namin sa kanila. Di ako nageexpect na sobrang yaman nila pero di ko rin ineexpect na kapirasong plywood at yero lang ang buong bahay nila. Sila yung ineexpect mo talagang maging member ng 4Ps. Hiyang hiya sya pero pinapasok nya ko sa kanila. Umupo ako sa bangko sa gilid at binati yung mga dumadaan.

Mas kinagulat ko asal nya sa pamilya nya. Sinisigawan nya yung mga bata na magligpit, maligo at magpalit ng damit nakakahiya daw dahil ang babantot nila eh may bisita. Nung nagpakita na mama nya ang laki ng ngiti bumati sakin at yayakapin sana ko pero pinigilan sya ni guy, sabi maligo muna daw sya. The whole time I was there napaka uncomfortable kasi binubulyawan nya laht ng tao. Hindi sya yung soft spoken guy na una kong nakilala. Nakakatakot sya, asal adik in my opinion.

After I ate at nakibati at kantahan, nag excuse ako na uuwi na ko. The whole ride home natuturn off ako sa inasal nya. All those times na dinadala nya ko sa mamahaling resto could’ve been allocated para sa family nya. Pancit at manok lang handa ng mama nya pero willing sya bumili ng ipad for me? The kids there looked so scrawny and thin pero nadadala nya ko sa steakhouse? I feel so conflicted. How he treats me is so different sa nakita kong inasal nya sa family nya. Pano kung nagtagal ay ganunin din nya ko? Is he even helping his family financially? Di nya obligasyon pero naaawa ako sa mama nya. Masiyahin, welcoming at ang bait bait pa.

I want him to stop courting me na dahil nakakaturn off ugali nya. His family offered me whatever they could pero parang kinahihiya nya. Hindi ako maarte at nakihalubilo ako, nakisama pero it was awkward kasi ang panget ng vibes nya, inis na inis kahit na ang saya saya ng lahat

Previous attempts: after that nagpaka busy ako. Di ako umiiwas fully pero I kept myself busy. Dalaw sa family and friends, pinilit ko mama ko lumabas kami sa off ko just to avoid seeing him. Hindi ko alam pano sasabihin sa kanya na ayoko na nang hindi nya iisiping dahil yon sa nakita kong situation nila. That’s not the case. Ang reason ko ay yung nakita kong ugali nya sa sarili nyang dugo’t laman.

Nakausap ko na din kapatid nya at ganon daw talaga yon. Nagbibigay naman sya sa parents nila pero nung sinabi yung amount nagulat ako kasi ang baba. 1500-2k lang per month. Di rin nila alam tunay nyang monthly income kaya di sila nagrereklamo sa 2k. Lalo lang syang lumiit sa paningin ko. Family oriented ako at di ko nakikita ang future ko with a man na parang basura ang trato sa sariling pamilya.

reddit.com
u/Cheekyninii — 13 days ago