u/ChanKaito

▲ 7 r/PHGov+1 crossposts

Hello, Reddit! Hihingi lang sana ako ng opinion niyo about sa incident na nangyari sa akin. For context, COS ako and less than 6 months pa lang ako nagwowork sa agency namin.

Last week, nagtraining kami… 2 groups kami na nag-ayos ng training, sabihin na nating si Group A ang logistics - participants and accommodations and first 3 days. Kami na Group B ang bahala sa last day, closing, reimbursements ganun.

Hindi namin (Group B) natapos ‘yung gagawin namin sa last day kasi need nang umuwi ng participants at hinahabol nila ‘yung transportation nila para makauwi at galing pa sila sa malalayong lugar. Hindi namin ito naanticipate since hindi naan kami ang logistics at first and last time naming nameet ang participants that day.

Nasa training ‘yung head ng agency namin at sinabihan niya kaming magrecalibrate ng budget para makapagstay pa ‘yung participants nang 1 day para hindi naman sila mahassle. As far as I remember din, bumulong siya sa amin na baka makalimutan niya raw sabihin ito sa head ng Group A (permanent siya at matagal nang nagwowork sa agency namin. Isa sa mga head na susunod sa agency head namin).

Fast forward, kanina lang nangyari. Magflaglag ceremony kami and may announcements right after - the usual. Ininform ko via chat ‘yung focal person ng Group A (hindi pa ito ‘yung head nila) na nagpaparecalibrate nga ‘yung head ng agency namin. Sinabi ko na ako nalang ang mag-aannounce ng sinabi ni agency head after flag ceremony. Nag-aanticipate kasi kami na tatawagin kami for updates. Nagreply naman siya na nakapag-usap na ‘yung head nila at si agency head. Eh di okay…

Maya-maya noong magsta-start na ‘yung flag ceremony, biglang sinugod ako ni Group A head. “Nasaan na si *name ko*” at sinisigawan niya ako with matching panduduro. Meron akong proof na sinigawan niya ako kasi may nagchat sa akin at nagtatanong kung bakit daw ako inaaway ni division head.

Huminto lang muna siya saglit kasi magfla-flag ceremony nga. Hindi naman nag-announce ang group namin kasi hindi kami tinawag ni agency head. After flag ceremony, hinarang ni Group A head ‘yung supervisor ko at tinatanong kung sino ‘yung kasama kong nag-aasikaso ng documents. Sinabi pa niya na hindi raw ako tinuturuan ng group ko where in fact, chineck ko naman sa APP na sila ang may budget for accommodation ng participants. Take note na medyo mataas pa rin ‘yung tono niya at dinuduro niya ako.

Additional context na rin na hati kasi ang budget namin… sila ang 1st-3rd day ng training, kami ang last. So if gusto raw mag-extend, dapat sa budget namin ‘yun ikakaltas pero alam naman nilang wala kaming budget for accommodation.

Nagsorry nalang ako dahil baka nabigyan ko sila ng idea na mapapahiya ‘yung group nila kapag inannounce ko ‘yung recalibration sa lahat na dapat daw ay hindi inaannounce kasi wala namang value added. Ang intention ko lang naman ay maging transparent sa lahat.

Ang plan ko kasi is pabayaan nalang muna ‘tong nangyari na ito kasi nagkamis-understanding lang. Saka na ako susulat sa HR if naulit or nabring up niya ulit ito if nagkaroon kami ng meeting. Hindi pa rin kasi alam ng head ng group ko ‘yung full story kasi nakaleave pa siya. Pero sinabihan na siya ng head ng Group A na dapat nga kami ang mag-rerecalibrate ng budget. Nag-aapply din kasi ako ng permanent position sa group namin pero medyo napapaisip akong bawiin dahil sa pangyayaring ito.

reddit.com
u/ChanKaito — 17 days ago