u/CautiousHearing1223

Sa bahay ko nakikitulog mama ng common law partner ko

Hello! Umabot na ko sa point na nag download ako ng reddit just to vent this out. Pero please let me know kung ako ba yung masama ang ugali.

Since namatay yung papa ng common law partner ko last year, dito sa bahay ko nakikitulog yung mama nya kasi hindi nya pa kaya mag isa sa bahay nila. 4 magkakapatid yung partner ko pero lahat may family na at kasal din. Kami lang ng partner ko ang not married but may isang anak kami na 2 y/o. Yung isa nilang kapatid ay walking distance lang ang bahay sa bahay nila, pero ayaw nya dun mag stay dahil matagal daw matulog yung apo nya duon, napupuyat sya.

Yung ibang kapatid malayo, mga 2hrs travel time. At gusto nya rin kasi na napupuntahan pa rin nya ang bahay nya. So kami mga 10mins drive lang from bahay nila. Dito nya gusto magstay, nagpaalam din partner ko at pumayag naman ako kasi wala naman ako choice at namatayan sila.

Kaso medyo distant ako sa mama nya eversince saamin tumira yung partner ko kasi parang dun nag start yung pagging kontra nya lagi at pakialamera. Pero I still respect her, di ko pinapafeel sakanya na nahurt ako or what.

Pero recently medyo di ko na talaga kinakaya at gusto ko na matigil yung pakikitulog nya dito sa bahay kasi it's been 6 months na. At wala akong peace of mind kapag nandito sya kasi feeling may mata nakatingin saakin. Feeling ko kailangan ko i-guard lagi yung sarili ko kapag nandito sya.

Kinausap ko partner ko na kung pwede weekdays nalang makitulog yung mama nya para makapagpahinga naman ako ng ayos sa day off ko. Hindi ko kasi alam pano ko sasabihin na ayoko na na dito nakikitulog, ayoko na ng ganitong set up. Yung set up na 4 nights weekdays dito at 3 nights (weekends) naman sa kapatid nya ay parang 2 months na ata. At everytime talaga na andito yung mama nya halos ayaw ko lumabas ng kwarto, kasi ayaw ko makiusap at baka kung ano naman mapuna.

Guys biruin nyo sarili kong bahay tapos pag may nakita syang parcel ko, itatanong nya anong laman. Tapos kapag may bagong bili, tanong ng tanong bakit bumili na para bang hiningi sakanya ang pera. Breadwinner ako mga mi 3 years na kasi nagkaproblem si partner sa business nya at hirap makahanap ng work tapos nagkasakit pa na ako rin gumastos pero yung mama nya parang walang respect sakin.

Kontra ng kontra sa desisyon ko lalo na pag involved anak nya. Kahit pagpacheck up ko sa anak nya, nilipat nya ng doctor kasi may doubts sa pinacheck-upan ko eh yun na yung pinakamagandang hospital dito sa province namin. Nilipat nya partner ko ng doctor, ending lalong lumala ang sakit dahil biruin mo, sa kidney ang sakit pero yung sinunod na reseta ay reseta ng cardiologist. But turns out matagal na may sakit sa kidney yung partner ko. Ngayon lang nadiagnose kasi ngayon lang nagpacheck up sa nephro (which is ininsist ko). Sa public hosp lang kasi sya nagpapa check up before dahil employees ang parents nya doon. Halos every year sya may UTI pero di man lang nila naisip ipacheck up sa nephro. Comfortable naman buhay nila kaso tinitipid yung mga anak.

Naging distant ako sa mama ng partner ko lalo na nung nanganak na ako, syempre wala akong work kakapanganak ko lang. Nagpapa breastfeed pa ako. Yung partner ko mahilig mag aya mamasyal, kumain sa labas, tapos sinabihan ako ng mama nya na wag daw magastos masyado, saka na raw kapag may trabaho na ako. Nasa postpartum stage ako nun kaya sobrang sakit at parang dun ko nafeel na sobrang humiliated ako. Never ko na-experience yan sa mga magulang ko dahil sobrang supportive nila at hindi sila nangingialam simula nung nagwowork na ako.

May time din na dun kami natutulog kapag weekends kasi gusto ni partner. Isang beses umalis sya ng bahay. So ako, baby ko at mama nya nalang iwan sa house. Sobrang natatae na ako so nakisuyo ako sa mama nya bantayan muna. Kaso umiyak si baby, hindi pa ako tapos mag poop. Katok sya ng katok sa CR, yung sunod sunod kasi iyak ng iyak na baby ko. Pwede naman nya i-hele ng saglit lang. Ilang mins lang naman yung pagpoop. May mga times na nakisuyo din ako sa mama ko kasi mag c-CR ako, pero tinyaga si baby kahit iyak ng iyak. Nanay naman sya, alam nya kung pano yung baby at feeling ng new mommy pero ganun sya. Natrauma ako non. Sabi ko sa partner ko ayoko ko matulog sa kanila lalo na't wala naman sya dun.

Ang dami pa mga mi. Pero please advice nyo ko pano ko sasabihin ayoko na makitulog dito si mama nya. Ang tagal na rin naman at bahay ko naman to. Nagkabahay na ako bago pa kami magka anak at sariling pagod ko talaga to.

Also prankahin nyo na rin ako kung valid ba nararamdaman ko or ako yung mali. Pls hirap mag overthink 😭

reddit.com
u/CautiousHearing1223 — 3 days ago