u/CancerSunLeoRising04

Eastwest Installment

Hello po. May question po ako regarding Eastwest installment.

May binili po ako kanina sa mall na 24 months installment @ 0% interest na merchant initiated. Nakalagay naman po sa resibo yung total amount tapos 24 months. Nagreflect na din po sa Eastwest app yung transaction pero yung whole amount lang po ang nakalagay at walang naka-indicate na 24 months or 0%. Nagwoworry lang po ako kase baka mamaya hindi magreflect sa end ni Eastwest na dapat installment sya tapos ang ending eh kailangan ko bayaran ng buo agad yung total amount next month.

Sa mga nakasubok na po ng merchant initiated na installment, ganun po ba talaga? I mean, hindi po ba makikita sa recent transactions sa app na naka-installment sya? Sa SOA ko na lang po ba makikita yun? Gusto ko sana masure na installment sya para kung hindi ay magawan pa ng paraan since sa katapusan pa naman ang cut off date ko.

Ang tagal po kase ng wait time sa CS, sayang ang load kaya binaba ko na. Kaya dito na lang po ako magtatanong at magbabakasakali. Salamat po!

reddit.com
u/CancerSunLeoRising04 — 6 days ago