u/Can_Internal

Need help

Advice what insurance is best for my mom. I just fear HMO won’t be enough if (wag naman sana) magka emergency. Health emergency.

Thank you!

reddit.com
u/Can_Internal — 5 days ago

Not a hot take but I hope we can choose to have a radical empathy in a system that wants us to hate each other.

Lately, ang daming posts regarding Meralco subsidy issue for 4Ps members. While I think VALID ang frustration ng mga Middle Class dahil sa bigat ng inflation at kuryente, we also need to talk about the elephant in the room: Bakit misplaced ang galit ng mga tao? Lalo na dito sa Facebook. Bakit ang bato ay laging sa mga mahihirap at nasa laylayan?

If your first instinct is to demonize the poor or post things like "If 4Ps member ka, unfriend me", then it's time for a reality check. A deeper socio-economic reality check.

Valid ang galit at frustration ng middle class. Tangina, tayo ang nagbabayad ng pinakamalaking buwis pero tayo ang laging naiiwan pagdating sa mga direct safety net ng gobyerno. Nakakagalit!!! Pero tandaan natin: hindi naman 4Ps beneficiaries ang nag-design ng policy na yan mga bes.

Ang galit natin ay dapat naka-direkta sa bulok na sistema at sa gobyernong paulit-ulit tayong ginagago, hindi sa mga taong sumasalo lang ng karampot na ayuda para lang mabuhay. Uulitin ko, para lang mabuhay.

Huwag sana tayo maging elitista. 😀

To call 4Ps members "swerte" because of a small subsidy is ridiculously far-fetched. Ini-ignore nito yung araw-araw na pakikipagsapalaran nila para lang mabuhay, lalo na't wala naman silang kahit anong safety net o ipon para sa kahit anong emergency. Tama ang iniisip mo, meron talagang mga 'undeserving' members na nakakalusot at hindi naman talaga dapat miyembro, at valid concern yan. Pero accountability yan ng gobyerno at ng mga nagpapatakbo ng programa. Hindi sapat na dahilan ang iilang outliers para i-demonize ang buong sektor o para ipagdamot ang tulong sa milyun-milyong pamilyang literal na kumakapit lang sa patalim.

The reality we all know is, the middle class in our country is just "one major illness away" from poverty. Diba? So let us all take a deep breath and remind ourselves that we are closer to the 4Ps beneficiaries than we will ever be to the ruling elites and the oligarchs.

Habang busy tayo sa pag-shame sa mga naka-aircon at naka-iphone na 4Ps members, nakakalimutan natin kwestyunin ang mga gahaman sa itaas. 'Yang mga energy monopolies at policy makers na hindi naman nakikinig sa mga hinaing ng mga Pilipino. Sila ang tunay na nakikinabang sa status quo.

Check your privilege. Some of our takes and mindsets are dangerous cause it lacks empathy and real understanding. Kung hindi mo makita ang nuance kung bakit kailangang may social safety net despite its flaws, then you are simply falling for the narrative na ang kapwa mong Pilipinong mahihirap ang kalaban.

Galit tayo sa sistema, galit tayo sa kawalan ng hustisya sa tax burdens, at galit tayo sa walang kwentang serbisyo ng gobyerno. Pero huwag na huwag tayong manapak pababa.

Target the real culprits, hindi ang mga kapwa nating Pilipino na biktima lang din.

Minsan, unconsciously, nadadala tayo ng petit bourgeois mindset. Akala natin malayo tayo sa mahihirap dahil may konti tayong ginhawa, pero biktima lang din tayo ng bulok na sistema.

Fight the system, not the poor.

#4Ps #MiddleClass #Meralco

reddit.com
u/Can_Internal — 16 days ago