u/Calm_Visit_5628

Would it be better if I just end our relationship?

My partner and I were supposed to celebrate our 10th year together this July (both female). LDR kami most of the time kasi seafarer siya. May plans na kami for the future pero lately nagkaroon kami ng problem dahil hindi pa kami aligned sa gusto naming buhay. She wants stability and mag-settle na, while ako gusto ko pa mag-focus sa career para maging financially stable din.

This March, nag-away kami after ko ikwento na napanaginipan ko na may iba siya. Naiirita siya sa sinabi ko kasi hindi naman daw totoo. After that, naging cold siya. Ilang beses akong nakipag-break dahil may nafifeel akong kakaiba, pero nagbabalikan kami kasi sinusuyo niya ako at gusto niya raw ayusin.

Hanggang sa isang beses, hindi ko na talaga kinaya yung bigat sa dibdib ko. Nakipaghiwalay ako, then nag-usap kami. Doon niya inamin na may nangyari sakanila ng katrabaho niyang lalaki sa barko. Di ako makapaniwala nung nalaman ko yun kasi saming dalawa, siya yung masc.

Nagmamakaawa siya na patawarin ko siya at tanggapin pa rin siya. Mahal na mahal ko siya kaya pumayag akong ayusin namin, pero araw-araw mabigat pa rin dibdib ko. Paulit-ulit sa isip ko yung mga inamin niya. Before this, may instances na rin ng micro-cheating during our almost 10 years together.

Hindi ko alam kung mas okay na tapusin nalang ba yung relasyon namin o bigyan ko pa siya ng chance. First time ko lang ma-experience to kaya gusto ko lang po sana humingi ng advice. Thank you po.

reddit.com
u/Calm_Visit_5628 — 5 hours ago