Need advice po. I’ll be honest about this, nagkaron kami ng dog around 2014, binigay samin nung officemate ng mother ko kasi nag-migrate sa ibang bansa. Around 2 years old(?) na yung dog nung binigay samin, di ko ganun maalala since kaka-high school ko palang that time. Until now nasamin pa rin yung dog. Lumaki kami na di ganun ka-aware yung magulang sa right way ng pagaalaga sa dogs. Basta napakain at napaliguan, okay na. Then neto lang napansin ko na may bukol na pala sa tiyan niya tas lumalaki, yung bukol parang may part na nagbabalat at nagsusugat. Nag-consult ako sa vet malapit samin. Around 20k yung estimate na need para maooperahan siya. Ang sabi rin ng vet ay need daw i-consider if kakayanin pa ba ng senior dog namin yung operation. To be honest di ko alam ano gagawin. Hindi stable yung income ko since contractual yung trabaho ko tapos paycheck to paycheck pa since nag-ssupport din ako para sa bahay. May ipon ako pero maliit lang, pero pangsalo ko sana yun since matatapos na project ko sa trabaho. Hindi ko alam gagawin para sa aso namin. Naawa ako pero ang hirap pala talaga magalaga na walang proper knowledge and pera. Hindi ako nanghihingi ng tulong financially, ang tulong na kailangan ko po sa ngayon is decision pano gagawin sa aso namin. Pumapasok na rin sa isip ko yung euthanasia para di na rin mahirapan aso namin. Help me decide on this please.
u/Calm_Drop6339
▲ 8 r/DogsPH
u/Calm_Drop6339 — 17 days ago