u/BroadSalamander8695

▲ 25 r/BPOinPH

Alam naman nating lahat na toxic na talaga ang BPO
—metrics, queueing, puyat, pressure; standard na yan. Pero ibang usapan na kapag yung toxicity galing na mismo sa management. Ang hirap manahimik kapag harap-harapan ka nang ginagago.

Sa account namin, parang hindi na leadership kundi ego trip na. May mga TL na napo-promote hindi dahil magaling, kundi dahil "malapit" sa OM. Yung tipong hindi performance ang puhunan, kundi pakikisama at pagiging yes-man. Kaya ayun, ang ending? power trippers din.

Yung TL namin? Grabe magpiga. 6+ hours tuloy-tuloy na trabaho, halos walang matinong break, basta ma-hit lang yung incentives nila. Wala silang pake kung pagod ka na😅 basta numbers nila,
secured. Para kaming disposable.

Tapos sobrang halata pa ng favoritism. May
"favorite" na agent na iba ang treatment. Mas maluwag, may special attention, may private aya pa for coffee para lang may "pag-usapan." And let's be real, hindi na yan normal work discussion kung kailangan pa ihiwalay. May mga galawang parang may kapalit HAHA like biglang pwede i-cover absences gamit PTO kung susunod ka. So paano na yung iba? Nganga?

Samantalang kami, kahit valid reason, lalo na medical, pahirapan magpa-approve ng PTO. Parang kasalanan mo pa na nagkasakit ka. Zero consideration. Pero pag paborito ka? Ang dali lang pala.

Makikita mo rin na yung OM, pipili ng mga TL na
sunod-sunuran lang; yung tipong hindi magchachallenge, hindi magtatanggol ng agents.
Kaya lalong lumalala yung power trip culture kasi
walang nagpu-push back.

Nakakatawa na lang minsan, sila tong may
"leadership" title pero sila rin yung dahilan kung
bakit ang toxic ng environment. Pipigain ka, papagurin ka, hanggang maubos ka:) lahat para lang sa incentives at stats nila.

Kung ganito rin management niyo, hindi ka nag-iisa.
Pero grabe, hanggang kailan ganito?

reddit.com
u/BroadSalamander8695 — 14 days ago