Ano pong magandang gawin para sa SecBank CC para hindi na lumaki ng todo yung TAD?
Context:
Naofferan ako ng CC from SecBank, bases din siguro sa pumapasok na sahod ko sa payroll. Nung una manageable pa yung payments. Kaso, shtz happened, dahil sa ex partner na kelangang saluhin every time na may aberya sya. Hindi rin naman sya nag aambag sa bayarin and mas pipiliin ko umutang kaysa magutom ang mga bata. Now, ang TAD is nasa 400k na and nababayaran ko pa naman MAD, kaso ayaw ko na sanang lumaki yun lalo dahil din sa interest. Ako lang sole na nagbabayad. I know, not the wisest decisions ever made about money, but I need it rectified na. Ayaw ko umabot sa point na wala akong sasahurin dahil auto deduct na sila sa payroll ko.
Steps taken:
Wala pa. I’ve read about IDRP pero not sure if pasok ito for my case? Ano po mas maganda gawin? I want to be financially stable this year. Thank you