u/Born-Building-4870

▲ 6 r/WLW_PH

Kwento lang: Online Situationships.

Grabe talaga yung nagagawa ng insecurity sa isang tao. Halos magda-dalawang taon na naaalala ko pa rin 'yung naka-situationship ko.

It started because we were in the same fandom, so nauna ako lumandi actually kasi what's the harm in that nakatago lang naman tayo sa picture ng idols natin. Sa lahat ng nakilala ko, s'ya 'yung talagang ang perfect lang for me. Nasasabayan niya yung trip ko tapos ang talino pa niya. Then it came to a moment na hindi na s'ya all fun and games kasi may paparating na concert 😭

The day of the concert, may pasok s'ya sa uni kaya I was alone collecting fan merch, sabi ko dapat doble para sa kanya 'yung iba. I waited and waited, pero sa loob na kami ng venue nagkita. Malayo 'yung seats namin actually kasi nga inalam namin kung saan usually tatapat ang bias namin, haha. Hindi lang ako excited makita idols ko sa stage, gusto ko rin talaga s'ya makita. Then sabi ko nauuhaw ako pero walang nagbebenta ng water malapit sa'kin so she said dadalhan niya raw ako. 'Yun na magkikita na kami, huhu.

Tapos sabi n'ya labas daw ako kasi nandun na sa s'ya sa taas dala ang water. Ako naman palabas na, kinakabahan. Actually I know what she looks like kasi unique 'yung pangalan n'ya nahanap ko agad sa fb, haha. Pero I still pretended that I was looking for someone kahit na s'ya lang naman ang nakaabang sa tuktok. Pero the inevitable happened, nagtanungan na kami ng name.

Sobrang ganda n'ya as in, she was dressed in all brown, long sleeves and a skirt. Ang tangkad n'ya pa, nahiya ako bigla sa itsura ko. Mas maganda s'ya in person without the blurry pics. She took a selfie with me then nagplay 'yung Lupang Hinirang. Sobrang kinakabahan ako, nakatalikod lang ako sa kaniya.

After the con, binigay ko na sa kanya 'yung merch then the small gift I made, we chatted. She offered na ihatid ako sa kung nasaan 'yung friends na kasama ko umuwi. When we saw them I knew I had to say goodbye to her. While we were waiting for one more person, bigla s'yang bumalik at binigyan ako ng pink na keychain to thank me. My favorite color is pink. Our hands touched, as in, electric.

It was the best time of my life, not until kinain ako ng insecurities ko. Napansin ko na dumadalang 'yung chats niya, she claimed na she was busy kasi need n'ya umuwi sa kanila. Pero even after that I knew things weren't gonna be the same. So sabi ko, di bale nang magmukhang ako 'yung gago, hindi ko na s'ya icha-chat kasi for sure 'di n'ya ko type. Ba naman, I was at my heaviest at that time because of fucking college. Sinong 'di matuturn off?

Dinelete ko na chats namin sa telegram, but she still messaged me nung birthday ko pero hindi ko na pinansin. She was probably just being nice.

Back then buo pa 'yung kpop group na gusto namin, tapos ngayon nasa magkaibang groups na 'yung bias namin. Hay, buhay. Naiiyak pa rin ako pag naaalala ko e. Like what if kahit pangit ako makapal mukha ko 'di ba? Ano kayang nangyari?

Totoo pala na mas masakit 'yung situationship lang kaysa sa relationship talaga. At least 'yon may closure.

My very brief wlw experience HAHAHAHAHA </3

Wala lang pinost ko lang baka mabasa n'ya, emz. Joke, ano sana masaya ka na ngayon. HUHU, I AM SO SORRY.

reddit.com
u/Born-Building-4870 — 4 days ago