Air humidifier na hindi natuloy
Matagal na toh and since umiinit nanaman ang panahon naaalala ko nanaman yung inis ko.
So nagreklamo yung nagtuturo ng awit sa amin, napaka init daw at hindi mukhang fresh.
Madami na rin yung may nahihimatay, sabi nya na humiling daw kami sa destinado namin ng air humidifier tas ilalagay sa hagdanan.
Ito naman kaming mga mang-aawit lalo na ako may asthma (naka face mask pa nun) super excited kasi hindi na mainit at hindi na didikit yung toga namin sa pawis ng balat namin.
Ayan, excited ako kasi nagtagubilin na sila na magkakaroon ng handugan para dyan.
Lumipas mga months, nagtatanong ako nasan na yung air humidifier? bakit ang init parin?
Tapos may nakita akong kakaiba sa lugar ng mga nangangasiwa sa koro, may brand new silang electricfan.
Umiikot, pa cylinder at madaming pindutan.
Ilang years na ang naka pass simula nung post pandemic, WALA PA RIN hanggang ngayon na bumaba ako, wala paring naibigay sa mga ka mang-aawit ko.
May nahihimatay parin sa pagod at kasama na init.
Iniisip ko na yung handugan para dun is yung dalawang air humidifier fan sa koro ng mga ministro.
Meron pa akong naaalala na sabi ng 01 namin (for information po is nasa distrito kami ng bulacan south) na humingi ng contribution sa treasurer for banyo naman.
Nagawa naman pero yung lock ng banyo namin sira pa rin, kailangan pa namin i peek yung paa namin sa pinto para alam na may tao sa loob.
Hindi parin gumagana yung flush, wala ring mga hand sanitizer na nailagay (sabi rin nila na may kumukuha ng mga sabon kaya hindi sila naglalagay, so may magnanakaw sa loob ng iglesia) kahit yung nakadikit na lagayan tas i press nlang.
Yung basurahan namin super kalat, laging puno. Hindi man lang mapaghiwalay yung recyclable sa hindi. Nagkaroon pa nga ako ng isip na mag ipon para sa basurahan ng lokal namin pero sabi ng ateh ko baka hindi rin nila tanggapin kasi kailangan pang ireport.
Wag kayong magsabi na ang yaman ng Iglesia kung pamasahe ng mga manggagawa nyo saamin nyo rin inaasa, pati meryenda nila kami pa rin.
Tapos pag may aktibidad mga binhi, para pa kaming magmamalimos sa mga buklod para magka miryenda lang kaming mga dumalo at may mga gamit kami para sa aktibidad.
Yung dingding ng kapilya, hindi na naging maayos. Warak warak na yung foam at yung pintura, super panget na rin nung mga little garden
Dati may effort pa mga pangulo na i design yung naka assign sa kanilang lupa. Ngayon bato at puno nalang makikita mo, may sira sira pang simento.
Nag effort lang kayo pag may dadating na bisita hindi katulad ng dati na palit agad ng damo pag pasalamat/BHN na. Wala ng maganda sa pasalamat at BNH kasi wala nang mga design na pwedeng pag picturan, umuuwi na rin agad mga tao kasi puno ng sasakyan yung loob.
Pasalamat ng kabataan, unti nalang yung nakalagay sa goodie bags at wala narin yung libreng sopas pagkatapos 😞😞😞 Nakakalungkot kasi aaminin ko na may buhay talaga ang kapilya dati.
Now na nakikita ko na ang kamaliaan at parang ang dami nang nagbago, parang mas tumamlay ngayon.
Dapat about sa aircon lang toh eh HAHAHAHHA
Madami kasing na i promise saamin na hindi natupad, pero nakapaghandog kami para doon.
Pasensya na po, mas masaya kasi dati nung bata pa ako.