Thoughts about sa YOS?
2nd time na namin kumaen dito. Una dun sa lumang pwesto nila sa tapat ng benedict. The food is good para sa price nya. So nag try ulit kme sa bagong pwesto nila, same order lang sa dati nilang pwesto kase nga we really enjoy the food at masarap sya. So ang inorder ko is yung spicy seafood na pasta at apple soda which is good same pa din masarap, then you abay ko the usual pa din nya lechon kawali at strawberry milkshake. Eto na nga mabilis ang serving ng pasta at drinks ko, yung sa abay ko almost 30mins bago na serve yung lechon kawali nya at drinks, then pagka serve nagulat kme parehas grabe yung lechon kawali 4 na maliliit na slice ng liempo as in maliit at manipis na para kang nag samgy na jowl kumapal lang sya ng konti, 1cup ng rice at 2 slice ng cucumber for 195. Grabe nakaka disappoint yung lechon kawali. Imbis na mabusog ang abay ko na badtrip. Hahaha. Anyways happy naman ako sa sinerve sakin sya lang naman yung nainis pero sa nakita ko naman valid naman yung inis nya. Hnd man lang naging crispy yung liempo manipis na nga hnd pa crispy. Yun lng naman share ko lang naging exp namin sa bagong pwesto nila. Your own style nga naman. Grabe ang pagkaka own style. Hahaha. Yun lang.