I am thinking whether to post this sa Offmychest or ABYG, pero mas makakakuha ako ng saloobin dito sa kapwa trentahin.
May kapatid ako, 39, eto yung ayaw ng 9-5 na trabaho, unemployed, pero dahil sa hype ng mga childfree hobbies sa social media, isa na sya sa mga yolo. Nahilig sa hiking mga 3yrs na siguro, halos every week di ko nakikita sa bahay kakasama sa mga "orga" or whatever term na ginagamit nila. Fast forward, naaksidente sa bundok. Bedridden for the past 2 months, and kakasabi lang ng doktor na baka maparalyze na sya buong buhay nya.
AYAW MAGTRABAHO, PINAGTATAWANAN PA KO NA WALA DAW AKO TIME PARA SA HOBBIES, PERO NGAYON, YUNG EMPLEYADO PALA ANG BUBUHAY SA KANYA.
Naglabas na ko ng 150k+ sa ospital pero oo mga te at kuya, masama loob ko sa paglabas ko ng pera. Wala akong magagawa kasi yung ibang kapatid namin may mga anak na. Ako lang din ang pinipilit ng nanay at tatay namin maglabas ng pera kasi yung pension nila sapat lang sa kanila. Ako lang yung wala pang anak at "company slave" na smsweldo ng malaki. Yung iniipon ko para makapag migrate bawas na bawas na dahil sa kanya. KAYA SANA SA MGA NAGHHIKE AT YOLO DYAN, KUMUHA MUNA KAYO NG INSURANCE AT TRABAHO SANA E NO. Walang trabaho, walang insurance, yung ipon nya e 50k lang pala na nasimot na din kasi gamot palang ubos na talaga. Hindi rin sya nagbabayad ng mga government benefits- more than 17 years na kasi syang unemployed.
Trentahin na ko, na sana sarili ko na lang iniisip at pinagiipunan ko ngayon pero mapupunta pa sa isang tamad na trentahin.