Everyone needs to be understood
Hi. I just want to vent here.
Not sure how to handle this. Lahat kasi sa pamilya namin, may pinagdadaanan na kailangan mo intindihin, pero sila individually, di naman nila iniintindi bawat isa. To be specific, yung ate ko kasi nasa US, gusto pabalikin mama ko doon to help na rin siguro. But si mama ko ayaw kasi di siya comfortable magstay dun kasi medyo bossy ate ko and baka rin patuluyin dun yung byenan niya na matapobre. In short, nanliliit siya sa sarili niya pag nandun siya. Ate ko naman nagtatampo kasi feeling niya di talaga siya mahal ng mama namin kahit siya naging breadwinner hanggang makatapos kami. Naging issue din pagpapadala ng mama ko sa kuya1 ko na palaasa samin kaya nagtatampo ate ko kasi parang mas gusto pa kasama ni mama si kuya1 kahit puro problema lang dala.
Yung kuya1 ko naman may drama rin, kesyo kaya siya ganun dahil dun sa trauma na inabot niya sa tatay namin. Yung kuya2 ko naman ay nagtatampo rin kasi puro yung kuya1 na lang daw tinutulungan sa kanya pahirapan pa daw tumulong.
Yung bunso namin, buti na lang mabait. Isasama siya sa US pagbalik ng mama ko don. Worried din siya kasi nga alam niyang bossy ate ko pero kaya naman daw niya magtiis.
Lahat nung mga dinadamdam nila, alam ko, kasi nagsasabi sila. Di ko na alam minsan sasabihin kasi pag nagsasabi sakin, laging centered sa kanila, parang walang space para intindihin yung isa’t isa. Nagkakaroon tuloy ng away. Nadedrain na rin ako kasi ako lagi nag aadjust. Even financially para lang walang issue.
Yun lang, nashare ko lang since walang ibang mapag sabihan.
Salamat.