u/BeeSidesNotes

▲ 1 r/family

For context | Dalawa lang kaming babae na magkapatid at ako ang bunso. Yung ate ko is sobrang tamad, like never siyang nagkukusa gumawa ng gawaing bahay kung hindi siya uutusan or kahit utusan man siya hindi pa rin niya ginagawa, puro lang siya wait hanggang sa nanay na lang namin yung gagawa ng pinapagawa sa kanya dahil sa tagal niya kumilos. Actually, mabait kasi yung nanay namin, so kung ayaw namin sumunod sa kanya, siya na lang mismo yung gagawa ng inuutos niya. May times naman na hindi rin ako kumikilos sa bahay nang isang buong araw, pero may mga times din na busy ako sa gawaing bahay, like hugas ng plato, linis ng kwarto at linis ng buong bahay (maliit lang yung bahay namin kaya kering keri ko siya linisin). Pero yung ate ko, wala talaga. Ni-hugasan yung nag-iisa niyang pinagkainan hindi niya kayang gawin kapag hindi mo siya pagsasabihan, tapos kapag pinagsabihan mo parang ikaw pa yung mali. Hilig niyang papuntahin yung boyfriend niya rito sa bahay namin pero hindi naman kumikilos sa bahay, kulang na nga lang yung boyfriend na niya yung utusan ko maghugas ng pinagkainan naman nila. Pero as a mabait na anak at kapatid, hindi ko ginagawa yon kahit gustong gusto ko na talaga gawin, tamang parinig lang kasi ako kahit hindi naman nila naririnig. Sa ngayon almost 3 weeks na ata kaming hindi nag-uusap dahil sa katamaran niya.

(ps. wala pa siyang work at kaka-graduate niya lang ng college, baka kasi sabihin niyo na baka pagod lang sa work kaya hindi siya nakakakilos sa bahay)

reddit.com
u/BeeSidesNotes — 15 days ago