u/Beautiful-Increase-5

Parents’ utang advice and insights

Hello! Hingi lang ako ng insights regarding sa utang ng parents ko. Tbh, wala akong alam masyado sa mga need gawin sa big debts since hindi rin sila transparent and open to talk about it. 🙃

So ang situation sa pagkakaalam ko, 5 banks yung may utang sila (BDO, Eastwest, Metrobank, BPI, Security Bank) tapos Eastwest and BPI yung may largest amount na debt. All in all alam ko nasa around 3M yung total na utang. :—(

Nagstart lumaki yung utang around 2017 ata??? Umabot pa sa point na EVERYDAY AT 8 AM, tatawag si Eastwest and pinutol pa ng parents ko yung line para lang di makatawag. I guess nasa collections na siya based sa pagkakarinig ko. Currently, sinara na ni BPI yung savings account ng mother ko, and pumupunta raw sa house every month para kunin yung pera/pension niya pambayad ng utang. They also recommended na mag IDRP na lang nung kinausap ni mother yung taga BPI na pumunta sa bahay. Nagsend na sila ng email 1-2 months ago pero wala pa rin daw sila naririnig from BPI.

Ang source of income lang nila is yung pension ng mother ko worth 40k something (she retired last year hay) plus income ng father ko na around 40k din. Hindi ko na rin alam how can I help kasi whenever my brother and I ask them, iniiwasan nila yung tanong kesyo stress lang daw (hindi ba mas nakakastress lumubo lang nang lumubo utang???)

Kapagod din kasi now lang ata sila nagdecide magtipid but last year puro luho and at nag-abroad pa sila :—( willing ako i-shoulder 1/3 ng utang pero sana umayos na sila kasi ayoko maging retirement plan :(

Hingi sana ako ng tips kung ano need gawin at kung saan magsstart :—( para may idea ako paano makakatulong if ever. Salamat in advance!!!

reddit.com
u/Beautiful-Increase-5 — 5 days ago