Hello, just want to share our experience with this agent sa cubao mall. So it was all started sa Ateng magaling magsales talk na may free raffle daw sa mga may card holder. Since may kasama naman ako, inentertain namin and siguro dahil di naman kami ganon nagmamadali kasi sabi nya saglit lang. So nagstart sya magdiscuss about freebies na pagspinin ka ng number para sa raffle and 1yr free consult sa Kaiser plus 10% discount sa mga labtest isesend daw samin thru email yung E-healthcard.
Sobrang nakakadala yung sales talk nya kaya napapayag nya kaming magsulat sa papel para daw ihulog dun sa raffle. After non, inaya nya kami dun sa office daw para kunin yung free gift, kami naman na hindi na makatanggi pumayag naman since maayos at magalang din naman sya kausap. But during that moment nagsimula na sya mag ask, how much yung limit ko sa cc ko then yung kasama ko since walang cc, inask kung nasa magkani daw laman ng savings nya sa debit nya. (Di ko alam na super Redflag pala nito-sorry for being naive). Nang makadating kami sa office, pinaghintay nya kami dalawa kasi kakausapin daw kami ng manager at sya mag eexplain.
Ako ang unang tinawag and ayon nagsimula na sya magdiscuss about manila bankers. Insurance, savings, at kung ano ano pa. Hanggang sa umabot na parang pinipilit na nya akong kumuha ng insurance. To be honest, okay naman yung sinasabi nya and upon checking, legit naman yung Manila Bankers as insurance company.
During discussion, talagang namimmilit na sya like kung magkano lang daw ang kaya kong ihulog. Nang sabihin ko na wala akong balak, medyo nagbago yung mood nya na parang medyo nainis. Sabi nya hindi mo pa nga nakikita yung commitment form para makita mo kung ano ang benefits. Then sabi ko talaga is “sorry sir but no talaga”
Paglabas ko, nakita ko kausap na ng isang lalaki yung kasama ko pero medyo patapos na rin sila. Nakita ko yun mukha ng kasama ko na parang naiinis at gusto na umalis. Ang ending, hindi rin nila napapayag ang kasama ko at umalis na kami
Yung kasama ko biglang nagkwento na nga at sobrang gago daw nung kausap nya. Pinipilit sya na kumuha ng insurance/magsave sa kanila. Since sabi ng kasma ko na ayaw nga nya, kung ano ano daw sinasabi. Like mamaliitin ka na “30+ ka na wala ka pa ding insurance?” “kung di ka magsesave, kailan pa” “hindi ka ba nakakapagdesisyon ng sa,’yo?” Mga ganyan.
Ngayon worried kami kasi pinag log in nya kami dun sa parang portal nila which we gave our name, email, contact number and bday. After non, may nagemail samin na iyon daw yung ticket number namin sa raffle. And May nagemail din sa amin from Kaiser ng E-healthcard na yun ngang free consultation and 10% discount sa mga lab test. Legit kaya ito? Hindi naman kami umabot sa naswipe ang cc ko or ang debit card nya.