EASTWEST CREDIT CARD OVERDUE
Hello po, 26 F here. Engineering fresh grad last June this year but previously working student po earning 15k monthly. I badly need advice. May Eastwest credit card po ako gamit ko na for almost 3yrs, never nagka-problema sa previous years ko pero this year talagang sinubok ako ng pagkakataon. Ako po nagpapa-aral sa sarili ko at senior na ang Papa ko, yung mga kapatid ko may kanya-kanya ng pamilya.
Ang credit limit po ng EW ko ay 150k at max out na po ngayon, nababayaran ko naman po yung minimum pero parang sa interest lang napupunta binabayad ko monthly. Ngayon po, nag-decide ako na ipa-overdue 2 months na. With total amount na po ngayon 168k with interest.
Plan po lumipat ng work with better salary, hirap lang po ngayon kasi hindi pa nakapag-board exam.
Paano po mag-request sa EW na kung pwede nila ibaba yung interest and bigyan ako ng payment plan like ₱5K monthly until mabayaran ko po lahat.
Anyone here po na nakapag-try na ng restructing plan nila? I keep emailing them po pero no response. Even sa text messages puro sila reminder pero walang reply kapag mag-ask for restructing plan. Thank you so much po!