I (F25) peacefully scrolling lang sa isang app at may nakitang video ng parent na very hands on sa dental health ng anak nila. May pumutik sa utak ko, at nalungkot na lang bigla. Hindi pa pala ako healed at may nakabaon pa rin na inggit at selos sa dibdib ko.
Naalala ko kasi, my mom never bought me a new clothes, bags, and shoes. Palaging ukay-ukay, not shaming the ukay-ukay, pero laging second-hand talaga binibili niya sa ‘kin, tapos mostly not my style pa. Never niya pa ako nabili ng anything na brandnew at ‘yon kinaiinggit at ikinaseselos ko kasi yung younger brother ko palaging may brand new.
I remembered, nung nasira na ang swelas ng black shoes ko— pinatahi lang niya. Tapos pinagmamalaki niya pa sa mga kumare niya na kesyo masinop na bata daw ako pero sa loob loob ko e gusto ko ng bagong sapatos. Tapos after a month, biglang binilhan niya nang original na basketball shoes yung kapatid ko kahit na hindi naman siya nag babasketball.
Meron din panahon na nakatanggap ako ng brand new na rubber shoes mula sakanya, akala ko mapapasabi na ako na “finally, something new”, pero nalaman ko sa lola namin sa ibang bansa na galing pala sakanya ‘yon.
At ang pinakinaiinggit ko talaga, nung nakipagsuntukan yung kapatid ko sa pinsan namin. Natamaan yung nguso niya at naapektuhan yung gilagid na parang may tutubo na ngipin sa hindi tamang place ng gilagid niya (mag cause ng crooked teeth)— ayon, gumastos siya nang malaki para hindi matuloy ‘yon. Ayaw niya daw na magkaganon kasi maaapektuhan kapag nagbinata na. Pero ako, na humihiling sakanya na ipabunot ko na yung bagang ko dahil sa sobrang sakit, sinabihan lang ako na iinom ko daw muna ng biogesic. Kaya ngayon, ako na yung nagsesave para sa sarili ko at mapunan ang dental health ko.
Akala ko talaga after losing a contact with them, and after being spoiled by my partner e healed na ako. Hindi pa pala. Dala-dala ko pa rin hanggang ngayon ‘to.
Baka habangbuhay na ako maiinggit dahil sa naranasan ko sa nanay ko.
Hay, ewan.
-W