u/Aromatic-Archer4294

Hi. First time posting here. Baka may ma-suggest po kayong doctor for my father who has Rectal Cancer.

We’re looking for a doctor who works in public hospitals po sana na nag-aaccept ng GL (Guarantee Letter) or Malasakit po. Nanghihingi lang po kasi kami ng GL dahil di po talaga namin afford. Nagttyaga po kami pumila talaga kahit naka colostomy bag tatay ko. Sadly, yung doctor po na pinupuntahan namin sa QMMC eh nag ibang bansa na po, kaya naghahanap po kami ng bagong doctor. Sobrang konti lang daw po ata ng doctor na nagsspecialize sa ganto. I’m 25 yrs old and senior na po papa ko. Graduate po ako ng accounting pero mababa po kasi sahod ko ngayon kaya di talaga maafford mag private.

Baka may marecommend po kayong doctor at saang hospital po? Any contact number po, magttyaga po akong makapila.

Maraming maraming salamat po.

reddit.com
u/Aromatic-Archer4294 — 15 days ago