u/Appropriate_Neck5708

▲ 34 r/BPOinPH

Alam kong normal sa final interview tinatanong kung bakit babalik pa ng BPO kung nag-VA ka na. Lagi kong sinasabi na ang VA Industry ay hindi naman stable. Never magiging stable unlike pag BPO, stable and siguradong may career growth. Unless na lang if mapull out ang account pero still. Napapansin ko din na pag nakikita nilang nag-VA ako for how many years, meron iba na hindi naniniwala lalo na pag inaask nila ako how much I earned during those times. Biglang sasabihin you know our company is very strict when it comes to checking your background, etc. Sa isip ko, edi go ahead kahit ngayon niyo na icheck.

Meron pa 1 hour umabot first interview ko at naka focus lang siya sa VA experience ko, hindi sa BPO experience ko, eh BPO tong inaaplayan ko. Curious siya kung magkano kinikita ko and bakit ako babalik ng bpo. I ended my VA career way back 2024 pa pero ang tagal ng questions nila dun. Ending di ako nakapasa, lagi lang akong nasa final interview then that’s it.

Sana iconsider niyo din mga may VA experience, less than half na nga lang inaask ko na compensation meron pa nag-ooffer ng 20k kahit may bpo experience nako. In this economy? Need ko lang ng work, sino bang hindi need ng work? Sobrang saturated na din ng VA Industry and I need a job just to survive.

reddit.com
u/Appropriate_Neck5708 — 6 days ago