▲ 8 r/OffMyChestPH
Isinayaw ako ng asawa ko
Gusto ko lang i-share para di ko makalimutan ‘tong araw na ‘to hahhaaha
Normal na Sabado lang naman ‘to not until nagpatugtog ang asawa ko ng Can’t Help Falling In Love sa speaker kaninang hapon. Sinasayaw naman talaga nya ko pero walang tugtog tas parang harutan lang, ganon. Pero kanina iba yung naramdaman ko. Nung isinasayaw nya ko habang may tugtog parang di ko na alam yung nangyayari. Nakatingin lang ako sa mukha nya habang sinasabayan namin yung kanta. May kumurot sa puso ko nung naisip ko na pwedeng sa isang iglap di ko na ma-experience yung ganun kakaloka. Hays naiiyak ako habang tinatype ko ‘to tas etong asawa ko ang lakas ng hilik sa tabi ko hahahhaha
u/AppropriateDriver443 — 4 days ago