Hi! Ask ko lang po if normal lang ba na ibang dentist yung mag handle ng braces adjustment?
Nagpa-adjust po kasi ako today tapos pagdating ko, iba yung dentist na gumawa. Wala naman pong proper explanation beforehand. Ang ginawa lang niya is pinalitan yung rubbers then tapos na.
Ang concern ko lang is last session kasi sinabi ng actual dentist ko na next adjustment maglalagay na siya nung parang rubber/bands para makatulong mag-close ng gaps. Pero today hindi nangyari, and when I asked kung nasaan yung original doctor ko, hindi nila masagot nang maayos. Ang sabi lang “hindi available” and para raw hindi ma-delay yung treatment ko. meron din kasing penalty kapag lumagpas sa 3rd-4th week ng month tapos hindi pa nakaka pag pa-adjust.
As someone na hindi masyadong knowledgeable sa orthodontics, medyo na-weirdan lang ako kasi first time mangyari to sakin. Hindi rin ako naging comfortable sa way ng pagka-handle today, parang minadali lang.
Normal lang po ba talaga na ibang dentist mag-adjust ng braces kahit walang prior notice? And okay lang ba na hindi nasunod yung previous treatment plan na sinabi nung actual orthodontist ko? Need advice po sana 😅