may alam ba kayo na free museum sa makati?
Please drop. Thanks
Please drop. Thanks
so nakita ko tong ads na "budget-friendly" salon sa instagram na 899 nanoseal hair therapy. Edi inquire akong ganyan.. nagtanong ako magkano eka itong nanoseal? pak pak pak copy paste "before 8,500 now 899 at yung iba pang details kung para saan yung nanoseal e.g. targets weak, brittle, dry hair etc (sabi ko sa sarili ko uyy kakaibang treatment toh cold eka yung plantsa at may pasteam pa mukhang maayos neto buhok ko). Tanong ako ulit.. ala ba tong hidden charges 899 lang talaga sya? Sagot sya no hidden charges. Tanong ako ulit.. kung nakakawala ng frizzy hair.. yes daw nakakawala daw (edi mas naging disidio ako).
Edi eto na hanggang nag pabook na ko ng gantong date.. edi move it akong ganyan papunta sa salon nila (uy walang tao) punta ako reception sabi niya "ano po papagawa natin maem" (pinakita ko yung sa ig na procedure) tas inabutan ako ng form fill upan ko daw (nilagay ko don details ko mga yes, yes, yes,no, no about hair and ano yung gusto kong mangyare sa buhok ko).
Eto na, pinapasok na ko ng ate sa room. Tas yung isang ate na "so-called expert" kinausap ako basa basa syang ganyan sa form "less frizzy hair and dry" TAKE NOTE ang treatment na gusto kong gawin sakin is nanoseal hair therapy which addresses damage hair in general.. SABI NIYA HINDI NETO MAAYOS ANG BUHOK KO, dahil ang kailangan daw ay botox and the price is 4,500 and chineck niya rin pala yung scalp like yung may camera kita ko naman na dry and oily etc.. E HINDI NAMAN YUN ANG CONCERN KO! So nag offer nanaman sya Plamaria yata yun price is 4,800 tas yun na nga ininsist ko yung nanoseal, sabi niya mag plamaria nalang daw ako at magbotox at nanoseal grabe yung upselling na ginawa sakin sobrang aggressive! Tas parang gusto ko na mag backout kasi ANG MAHAL TEH! Tas parang ayaw niya ko bigyan ng oras para magisip!? Sabi ko babalik nalang po ako mamaya, sabi niya nandito kana e tsaka nag pa appointment kana pilit sya ng pilit na ganyan gawin na daw eka yung plamaria at may fungus daw yung scalp ko, edi wala na kong nagawa napilitan ako (oo na kasalanan ko na pwede naman mag walkout, ewan ko para kasi akong natakot sakanya na hindi ko malaman bat napapayag ako sa kuripot kong toh!?).
Edi ginawa na yung plamaria bwakang 4,800...
Edi tapos na bayad na ko buti nalang may cc ako. Lapit akong ganyan sa counter inabot yung papel maliit... NANO SEAL - 899, BOTOX - 4,500, PLAMARIA- 4,800.. ako 😳😳😳😳 ayy 4,800 lang po babayaran ko, sabi ng ate na budol.. babalik ka naman di ba isama mo na rin to sa payment, ako 😳😳😳 hindi po 4,800 lang po muna babalik nalang ako sa ibang treatment (pero hindi talaga ako babalik likeee helllo????). Pilit parin sya at babalik naman daw ako raulo ka ba???
So to end the story nagbayad ako ng 4,800 at umalis na ko ng salon inisip ko papuntang coffee shop 15mins walk yung 4,800 na binayaran ko. (Nanlata ako boi)