Gusto ko na tumigil
As a normal kid since highschool na sobrang galing mag ipon (kahit na may girlfriend ako nun) to the point na ang laki masyado ng ipon ko para sa isang highschooler na tulad ko. Ginagawa ko lahat para magkapera nun, nagawa ako homeworks ng kaklase ko etc, and nung nag college ako biglang pinakita sakin ng kaibigan ko yung sports betting. Isip isip ko kaya ko pumaldo lalo dito dahil yun nga , mahilig ako manood ng basketball (NBA) at updated talaga ako. Hanggang sa ngayong 4th year na ako at nalulong ako nawala lahat ng inipon ko. May mga buwan na tumigil ako, isang buwan halos tapos bumalik ako pumaldo at natalo din lahat. Wala naman akong utang or kung ano man, sadyang nawala lang lahat ng ipon ko. Sana kayanin ko to, sana matulungan ko sarili ko na tumigil sa pagsusugal.