u/AltruisticStart2884

Problem/goal: paano ba ma convince tatay ko na ayoko mag manage ng business?

Context: I am 30 (F) still living with the parents, my two older brothers ay may sarili ng pamilya. I have my own job na hindi naman ganon kalaki ang sweldo but enough to sustain my needs since hindi pinag she-share masyado sa household expenses.

I used to be a law student pero tinigil ko na kasi i realized na hindi ako pang legal world pero hindi alam ng parents ko na yon ang rason ang alam lang nila ay naka LOA ako.

Meron minamanage na rental appt tatay ko, kaso as to govt requirements sobrang napabayaan, hindi nababayaran on time yung amilyar, hindi nababayaran yung BIR kaya nag ka letter of assessment netong taon.

Last week biglang sinabi sakin ng tatay ko na ililipat na nya ung business sa pangalan ko, kukunan ng bagong permit at reregister under my name. Sobrang tumaas anxiety ko kasi una sa lahat di naman ako business graduate at alam ko kung gano ka hirap mag maintain ng ganyan mula sa permits, sa pag babayad ng tax etc. So basically they want me to quit my job at mag focus sa apartment.

Sabi ko sa tatay ko ayoko kahit sinabi nya pa na sya mag mamanage eh ang pangit nga nung outcome nung una. Sabi ko ipangalan na lang nya sa dalawa kong kapatid sila naman may pamilya tas depensa nya ako yung law student ako raw may alam sabi niya tapusin ko raw ang school para tumapang tapang naman daw ako. Kaya sabi ko ganon ba yon? Tas maraming gaslighting haha. Pero deep in my heart ayaw nya lng bigyan ng sakit ng ulo yung dalawa kong kapatid kaya sa akin na lang lahat lol.

Buo na desisyon ko pero for the sake of it sabi ko pag isipan ko.

Ayon lang po. Advice is much appreciated po.

reddit.com
u/AltruisticStart2884 — 14 days ago