
Magandang araw po! Incoming first time job seeker po ako, at pre-employment requirement (di pa po ako nagsisimula) po ang philhealth sa kung saang trabaho ako tinanggap. Nagsasagot na ako nitong form na to at di ko po alam ano ilalagay dito.
Isa pang tanong eh may appointment palang kailangan (ayon sa research ko bago ako nagpost) bago pumunta ng opisina nila dahil ipapakita yung appointment confirmation siguro(?). Mas mabilis ba talaga maa-asikaso kung may appointment? Pwede rin ba mag walk-in?
Ito last na po talaga, kung saan ako malapit, ay may Philhealth Express at LHIO (nasa iisang bayan lang at di naman masyado magkalayo sa isat isa). Ang may appointment link lang ay para sa LHIO, ito po bang pag register o pag apply ng ID ay hindi ko pwede gawin sa Express na branch? O para doon ako mag walk-in? May malapit kasing Philheath Express sa clinic kung saan ako magpapa-medical bukas. (isa pang requirement ng kumpanya)