u/Alternative_Grab6596

Ubos na ubos na

Gusto ko lang mag vent.

Grabe, literal na 8 pesos nalang nasa wallet ko ngayon. Wala na kaming pang kain bukas.

Nung nagtanong si Papa, "may pang pandesal tayo bukas?" Sabi ko nalang meron.

Durog na durog na ko. May Father and brother is living with me at ako nalang nag wowork (PWD kapatid ko)

Yung sinasahod ko halos sakto lang saamin. Petsa de peligro ngayon, hindi ko alam kung saan pa kukuha ng ipang kakain namin. Wala akong valuable na gamit para maibenta manlang. Sobrang nakaka frustrate at nakaka drain.

Pinipilit ko maging matatag para sa mga magulang ko, pero as a panganay, wala din ako masandalan at mapagsabihan ng ganitong problema. Hindi ko nga alam kung may sense ba tong sinasabi ko gusto ko lang mag vent out na ang hirap ng buhay! Napakalupit ng buhay saatin lalo na sa bansa at sa gobyerno meron tayo ngayon. Tangina talaga, sana makaraos na ko. God will provide!!!!!!!!?

reddit.com
u/Alternative_Grab6596 — 3 days ago