Need po sana advice. Thanks
Problem/Goal: Hindi aki magaling mag kwenti, sana maintindihan nyo, gusto ko lang ilabas lahat ng sama ng loob ko.
Hi! My Gf and me ay mag t2 yrs na dapat same kami profession, dati ako nag wwork sa biggest construction firm here in PH. Then nag resign ako para kumuha boards, and naisip ko rin na iupgrade ko sarili ko para pag nakapasa ako mas malaki offer na makuha ko at matulungan rin sya at sa pangarap namin. 1 year ako nag review and walang work, siya tumulong sa akin mag review at tumulong din financially. Nag live in kame sa bahay namin with my parents at tinanggap at minahal sya ng parents ko, hindi naman kame perfect pero nagaaway rin kam, pero malala. Unang away lang namin is murahan, sigawan. Nag mmura ako, nasisigawan ko sya dahil gusto ko mapakinggan din ako, na ffrustrate ako pag pinopoint out ko yung nararamdaman ko pero hindi nya ako napapakinggan, sa sobrang nakaka frustrate yung nangyayari minsan nahahawakan ko sya mahigpit and nayyakapa ng mahigpit, pilit ko sinasabi nararamdaman ko. Never ko sya sinaktan physically, pero mas pinipili ko nalang saktan sarili ko physically. Everytime mag away kame lagi sya nakikipaghiwalay, hiwalay dito sa maliit na bagay, hiwalay doon. Umabot ng buong 2025-present yung paghihiwalay at paghabol ko at pagmamakaawa. Nahuli nya rin ako nag nagjakol sa iba, well hindi totally nahuli, umamin lang ako. Pero lahat lahat ng kasalanan ko is pinagbayaran ko, lahat ng mali ko is binago ko dahil mahal ko sya. Nung nakatira sya sa amin is pang gabi work nya, so dahil nag rereview ako wala akong pera na maitulong, ang tulong ko lang is pagluto sya umaga, tanghalian, gabihan, may miryenda pa. Hindi ako nagkulang sa effort para lang makabawi ako kahit wala pa ako, pero ang nakukuha ko is luto lang alam mo? Effort na yun? Eh hindi nya alam yung allowance na bimibigay sa akin sa pag rereview ko is 1k per week, pinangbibili ko ng mga gusto nyang pagkain, masaya na ako don pag nakikita ko sya masaya. Gusto daw nya emotional support, wala daw akong emotional intelligence paulit ulit ko sya na naririnig na wala ako non, pag nag aaway kapag kasalanan nya, ang reverse card nya is "ikaw ba nangamusta ka ba?" Balik sa akin ang sisi, so binago ko approach ko pag magkalayo kami puro pangangamusta at ano nararamdaman nya ang tanong ko. At syempre di pa rin na uubos yung demands nya. Sa buong 2025 pag nag aaway kami umuuwi sya sa kanila, sa tuwing susuyuin ko sya pumupunta ako sa kanila para makapagusap, pero hanggang labas lang ako ng bahay nag mamakaawa at never nya pinapasok sa loob. Paulit ulit cycle namin na nagmamakaawa ako sa kanya. Hindi alam ng tatay nya na umuuwi sya sa amin, ngayon dahil mas mahal ng magulang ko gf ko kaysa sa akin, gusto nila bumati ng merry christmas sa bahay nila pero tinaboy ng gf ko magulang ko, dun nagsimula magalit ate ko sa ginawa nya. Naging issue pa sa amin na minaliit daw sya ng pamilya ko? Dahil ate ko at asawa nya is project manager, nasa site sila, boss ng ate ko at ninong nya sa kasal yung ceo sa company nya, pinagsabihan nya yung asawa ng ate ko na kung online sya, and project manager sya, nasaan growth doon? Kinwento yun ng ate ko sa dinner namin nandon gf ko, dahil online gf ko kala nya sya yung pinapatamaan, dahil mabigat pakiramdma nya, binigyan ko sya ng assurance na nandito lang ako, na kakmpi nya ko, kahit di naman sya nilalait. Ngayon dahil wala pa rin ako work at 3 months na ako nag a apply, dahil sa hirap humanap, may bago nanaman syang words o demand na sinasabi, puro na lang ako salita, puro na lang ako pangako, sinasabihan ako na walang direksyon sa buhay, nakahiga lang puro kamot pwet, di nya alam na araw araw ako nag sstruggle pano ako matatanggap, na dedeppress na rin ako pano ako makakakuha work. Maliit na bagay, tatadtarin nya ako ng mura, mamaliitin nya ako, eto ako nagmamakaawa na tama na, kahit nag rereview ako o bago mag exam tinatadtad nya ako ng mura at masasakit na salita. Dumating din oath taking ko nung paguwi namin sa pangalawang bahay namin, so condo sya 28 flr sira elevator, ang ginawa namin umakyat kame from 1-28 flr, after namin makaakyat di ako makahinga, ang nakuha ko sa kanya is parang hindi ka lalaki, mas malakas pa ako sayo, ganyan ka nalang ba? Breadcrumbs lang nakkuha ko sayo? Hanggang sa walang tigil umagat gabi apply lang ginagawa ko. Pero wala talaga. Ngayon mas lalo nagimg magulo, nagbayad sya ng event namin para makasama ako, sabi ko wag na dahil after nya magbayad saken is mura at sumbat nakukuha ko. Tinatanggap ko na lang at pinapakalma sya. Kahit sa mga picture sa event pinost nya sa IG wala ako, kahit isang mukha sa ig o fb wala ako. Lagi ko sya binibigyan ng assurance na, hantay lang nasa baba tayo ngayon, pero pag nagka work ako malilibre kita, bibigay ko sayo mga pangarap mo, bibili rin kita ganto, papakasalan kita, bibigyan kita magandang buhay. Pero ang nakukuha ko is, puro lang ako salita, walang gawa. Ngayon kahit maliit na bagay kunwari nagtampo ako sa ganto, sa sobrang liit pwede na palampasin ang nakukuha ko ay tadtad na mura. Nung nagblack laptop nya kinausap ko ng maayos, tinatad ako ng mura at pangmamaliit. Naginstall IT nila sa computer nya ng software dahil sa stress nya tinadtad ulit ako ng mura at pangmamaliit. Tinatanggap ko lahat yun, minsan nga sinesendan ako ng grabe mga lalake ngayon sobrang kaba na meme, which is sobrang kabaklaan, na okay lang tapaktapakan pagka lalake ko, hiahayaan ko para di kame magaway, pareparehas kayo mag lalaki mga mahihina sinasabi nya, papa ko mahina, kayo mahina, mga basura. Ayan nakukuha ko, basura, walang kwenta, bading, lahat. Ngayon 1 month na ako nag mamakaawa para makapagusap kame, never kami nakapagusap ng maayos, dahil sa puro hiwalay ang ginagawa nya. Ngayon di nya ako kinakausap at pinapansin natatakot ako baka may kausap na syang iba. Mahal ko sya sobra, pero di ko alam gagawin ko. Sana mabigyan nyo ako advice. Thank you
Salamat sa pag basa at pag intindi kahit medyo magulo.