





Rant about my indrive driver at sa mga bulok na pagiisip ng karamihan sa kanila
Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob so please don’t judge.
Nag book ako ng indrive sa naia papuntang south metro manila. Dapat talaga move it lang kaso hindi allowed ang pick up sa mga bay. Lowbat pa ako, 8% na lang phone ko kaya desperate na rin akong makabook at makasakay. Nung dumating na yung sasakyan, pagbukas ko pa lang ng passenger door, umaalingasaw yung baho ng sasakyan. Hindi amoy yosi kundi amoy bulok na isda AT patay na hayop. As in! Hindi to exaggerated. Dahil nga kailangan ko na ng masasakyan, nag-go na ko kahit sketchy kesa madeadbat na phone ko at di ako makabook. Pagpasok ko ng sasakyan, nakapatay ang aircon sobrang init kaya nakiusap ako na pakibuksan, ginawa naman ng driver. Nagtanong na siya kung saan ang daan namin, sabi ko service road lang. maya maya nag sabi siya di raw niya alam ang daan don, turuan ko daw siya. E hindi ko rin alam ang daan papasok ng service road dahil di naman ako driver. Humirit siya na “kawawa tayo sa traffic” this is 6:30am, traffic lang ang northbound ng service road sa bicutan, e pa-south kami. Hindi ko pinansin yung parinig niya. Nagtanong ulit siya saan daw ang daan namin, inulit ko na service road dahil sakto ang pamasahe ko. Bago lang daw siya kaya di niya alam, sabi ko sundan na lang yung nasa waze. Sagot niya naka expressway daw ang daan ng waze so sabi ko palitan niya ng route, hindi daw yun nababago. Hindi ko naman magamit ang maps ko sa phone kasi nga lowbat na. Ang ending, ibabalik daw niya ako sa naia. Sinabi ko na lang ibaba niya ko sa malapit na tamang babaan pero binaba niya ako sa lugar na hindi na nga familiar, e delikado pa.
Maayos akong nakipag usap all through out ng conversation namin, hindi rin naman siya pabalang sumagot pero ang dami niyang dahilan na pulpol naman at halatang nagrarason lang. hindi ko na pinagpilitan o nilaban pa dahil sa takot ko na baka anong pwede niyang gawin sakin pag natrigger siya plus amoy patay na hayop yung loob ng sasakyan god knows what kung ano nangyari bakit ganon ang amoy. At alam niya ang address ng pupuntahan ko, iba na ang panahon ngayon lalo kapag triggered ang isang tao. Minsan hindi nakakapag isip ng tama. Pag nasa sitwasyon na talaga na medyo alanganin yung safety, hindi ako pwede magpadalos dalos ng salita at gawa. Kaya pagkababa, naghanap ako ng lugar na safe at pwede makapag book ng move it, ayun hindi nga traffic sa dinaanan namin na service road.
Nireport ko na siya. On going investigation daw sabi ni indrive. Nakakainis dahil una, kung ayaw mo gawin ng matiwasay yung trabaho mo na walang ginugulangan, edi wag yan yung piliin mong trabaho. Pangalawa, oo mataas na ang presyo ng gas at lahat ng bilihin, pero hindi lang driver ang apektado. Preparehas tayong kumakayod kaya lumaban kayo ng patas. Ano bang kala niyo sa pasahero, lahat mayayaman na pwede niyong gatasan? Karamihan nga ay middle class na sakto lang din ang kinikita at mas convenient lang sa kanila mag book ng sasakyan/motor. Pangatlo, maski ayaw o gusto ng pasahero mag expressway, call pa rin ng pasahero (nasa guidelines yan ng indrive,grab, etc.). Pang apat, wag niyo gawing tanga pasahero niyo na kung ano ano nirarason niyo para lang kayo ang masunod. Mang giguilttrip pa kayo e kayo nga walang konsiderasyon. Panglima, yung nabook kong route ay service road talaga at yung rate na yun ay para sa route na yun.
Ps. Nag tanong ako sa indrive group sa fb kung napapalitan ba ang route ng waze kung preferred ng psahero ang service road. May mga sumagot naman ng maayos at nag turo kung pano palitan/piliin ang no tolls. Pero karamihan e puro pang giguilttrip, pang gugulang sa pasahero, at pulpol na mga sagot.
TLDR:
-hindi raw alam ng driver daan sa service road
-expressway lang daw ang nakalagay kay waze at hindi daw pwedeng baguhin ang route sa waze
-binaba ako ng driver sa unsafe area
-nagtanong ako sa fb group ng mga drivers and passengers kung hindi ba pwede baguhin route sa waze, sabi ng iba pwede. Pero karamihan ng sagot ay wala sa hulog.