u/Alarmed_Dirt_7352

🔥 Hot ▲ 986 r/OffMyChestPH

“Di niyo kasalanan na tumaas yung krudo”

Whenever I go to gym, lagi ako nagjejeep papunta kahit mga 5-7min walk lang siya (as a tamad haha). And simula nung tumaas yung gas, lagi na ‘kong nagbabayad nang sobra which is 15 pesos, instead of 13 na minimum fare.

May nasakyan akong jeep and nagbayad ako. Binalik niya yung sukli na 2 pesos na tinanggihan ko immediately. Sabi ko, “okay na po, wag na”. Pero he insisted, which I refused ulit kasi baka hayaan na din ako. Pero binabalik niya talaga kaya tinanggap ko na din, sabay sabi niya, “tanggapin mo na, di niyo kasalanan na tumaas yung krudo”. I’ve had that stirred up feeling kasi ang bait ni kuya and at the same time, my heart goes for them dahil sa crisis ngayon, at alam kong iniinda nila yung pagtaas. May iba pa ngang maliit na lang ang naiiuwi sa pamilya.

Inihabol pa niya, “Dapat ang sinisisi dyan, yung mga ano” sabay tawa. Which I understood na din naman kung sino. The whole night that day iniisip ko yung sinabi niya and sana, sa susunod na mamumuno, isipin man lang sana nila ang mga pilipinong nagttrabaho sa gantong crisis. Sana nakikinig sila, at sana ginagawan agad ng aksyon.

reddit.com
u/Alarmed_Dirt_7352 — 17 hours ago