I just woke up from sleep as I was typing this.
Bigla akong ginising ng wife ko kasi may nakatok daw sa pinto namin. Sinasabihan niya akong buksan para malaman kung sino pero ayokong gawin. Sinabi niya sa akin na silipin sa bintana pero hindi ko rin magawa.
I 100% don’t believe in ghosts or supernatural beings/phenomenons. Pero nung moment na sinabi niya sa akin na may nakatok sa pinto namin at 1AM, iba yung takot na naramdaman ko.
We live in an apartment na may katabing 2 rooms sa kaliwa, bali kami yung nasa pinakadulo from the gate, and to our right is yung bahay ng landlord namin. Merong 2 aso sa may gate and when I asked my wife kung tumahol ba yung aso ay hindi raw. Kung may natawag ba siyang narinig pero wala rin daw. Basta tatlong sets ng katok daw yung narinig niya bago nawala saka niya ako ginising.
I just found myself telling her na pag may nakatok ng gantong oras ay huwag pagbubuksan. Now I can’t go back to sleep thinking what even was that.