Biglaang sakit sa lower abdomen + may dugo sa dumi
Problem/Goal: Nakaramdam ako ng kakaiba sa lower right side ng tiyan ko nitong mga nakaraang araw. Habang nag-uusap kami ng kaibigan ko, biglang sumakit nang matindi ang lower middle part ng tiyan ko, parang may tumusok na kutsilyo. Pagkatapos kumain, ilang minuto lang ay sumakit ulit sa parehong area. Nag-CR ako pagkatapos at napansin kong may dugo sa dumi ko may dalawang streaks ng dugo na kasama ng tae. Context: Noong 2023, may mga panahon din na minsan nagtatae ako ng may kaunting dugo, pero hindi madalas at maliit lang noon. Ngayon mas kinakabahan ako kasi may kasamang matinding sakit sa tiyan at ilang araw na may kakaibang pakiramdam sa lower right side. Hindi ko sure kung connected ba ito sa dati kong nararanasan. Previous Attempts: Wala pa akong ginagawang treatment o check-up. Minomonitor ko lang muna kung mawawala, pero dahil may dugo ulit at may matinding sakit, gusto ko malaman kung may naka-experience na ba nito o kung gaano ito kaseryoso.